CHAPTER 4🌿✨ -Contract

1.2K 40 0
                                    

ANGGE'S POV:

Halos ilang minuto na kaming walang imik habang nasa byahe. Oo, kasama ko si Erik ngayon.

Ano pa nga ba? Talagang hindi siya nagpatalo.

Halos ilang minuto na kaming nasa byahe at ilang minuto na rin akong nakatingin lang nang diretso sa harapan ng kotse. Ang tahimik.

Tanging ang tunog lang na nanggagaling sa aircon ang naririnig namin.

Saglit ko siyang nilingon para makita kung anong reaksyon niya. Ganoon pa rin kagaya ng kanina. Nakasimangot pa rin siya.

Sa totoo lang, hindi ako sanay na ganito kami katahimik tuwing biyahe.

Madalas kasi kahit kapag natutulog ako sa sasakyan o kung parehas kaming pagod ay binubuksan namin ang radyo para makinig ng mga kanta.

Pero ngayon, hindi lang sobrang tahimik, sobrang awkward pa. Parang wala ni isa ang may balak sa aming magsalita hanggang sa makarating kami sa bahay.

Nakakastress naman 'to!

Oo sige na, alam kong nagtatampo si Erik sa akin ngayon. Kasi kung hindi, edi sana kanina pa siya nagkwento ng mga nangyari sa kanya ngayong araw na hindi kami magkasama.

Ganoon kami lagi sa isa't isa.

Sabagay, bakit nga naman niya ikukwento sa akin na may kasama siyang ibang babae? Na kasama niya yung dating nakalaban ko sa contest na crush na crush niya?

Nainis naman ako sa naalala ko. Nakakairita talaga. Ay nako hindi pwede 'to, lalo lang umiinit ang ulo ko.

Kaya naman magpapatugtog na sana ako ng kanta pero bigla namang hinawakan ni Erik ang kamay ko habang diretso pa ring nakatingin sa kalsada.

Para bang nakuryente naman ako sa paghawak niya.

"Huwag mong buksan yan. Mag -usap tayo." seryosong sabi niya.

Binawi ko naman ang kamay ko at diretsong umupo.

Tsh, ang sungit.

Okay let's talk daw Angge, oh sige na magalit ka na.

Huminga ako nang malalim para sana magsimula nang tumalak kagaya ng madalas kong ginagawa pero naunahan niya na ako.

Aba first time.

G na g ba?

"Hindi ako galit. Masama lang ang loob ko."

Napatingin ako sa kanya dahil sa mga salitang binitawan niya. Wala pa ring emosyon sa mukha niya.

"May pinagkaiba ba yun?"

"Oo, spelling di'ba?" sagot naman niya.

Ugh, Santos!

"Hindi ako bobo."

"Hindi ka bobo, matigas lang ang ulo mo."

"Ha? Bakit, ano bang ikinagagalit mo?" I frowned

"Wala. Bakit ako magagalit e di'ba kaibigan mo lang naman ako?"

Napabuntong hininga ako sa naging sagot niya. Edi lumabas din ang totoo.

"Pogs, alam mo naman diba? Hindi ba sa lahat ng tao hindi ba dapat ikaw ang nakakaintindi sa sitwasyon natin?" malumanay ko nang sabi.

"*sigh* Alam ko. Kaya nga alam ko rin na totoo yung sinabi nila. Friends lang naman talaga tayo hindi ba? Kahit anong gawin natin, hanggang friends lang naman talaga. Hanggang dun lang tayo."

"Erik naman. Paulit ulit na lang ba tayo? Hindi mo nanaman naiintindihan." may bahid ng inis kong sabi.

Paulit-ulit na lang kasi kami.

Secrets Beyond the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon