CHAPTER 33🌿✨ -Daddy Pogs

1.8K 53 2
                                    

Minsan napapatanong tayo, unfair nga ba ang buhay?

Minsan walang wala na tayo at kaunti na lang ang natitira pero kinukuha pa.

Life, at what extent can it be cruel? Hanggang saan ka ba magpaparaya?

Bakit minsan parang ang pakiramdam natin tayo na mismo ang sinasakal ng laro ng tadhana?

"HINDI! HINDI TOTOO YAN! SABIHIN MO SA AKIN NA HINDI TOTOO!"

"L-Love, sssssh please!"

"POGS! HINDI TO TOTOO! SABIHIN MO NAMAN SA KANILA OH!"

Hindi gumalaw si Erik. Tinitigan niya lang ako habang nakayakap sa akin. Umiiyak din siya.

Hindi pwedeng mangyari 'to.

Hindi pwedeng pati siya mawala sa akin.

"I'm really sorry for your loss Miss Angeline but we already did our best."

Umiling ako. Bakit? Bakit siya pa?!

"PLEASE, HINDI. POGS YUNG ANAK NATIN!!!" lalong humigpit ang yakap ni Erik sa akin.

Nanginginig na rin siya sa mga naririnig naming dalawa. We can't lose our child, ni hindi man lang nga namin siya nakita.

Bakit naman ganito, bakit nangyari pa?

Hindi ko matanggap, why do You have to take my blessing away too soon?

"We really tried everything but sadly, we lost the baby. Kung hindi namin siya inalis kaagad sa katawan mo, baka pati ikaw nadamay na. I'm sorry Miss Angeline, Sir Erik."

Parang nadurog ang puso ko sa mga narinig ko.

Ang daya mo Lord, bakit ang anak ko pa?!

"Doc please, h-hindi totoo yan! Hindi nawala ang anak ko! Doc!"

My baby.

Wala na ang tanging yaman ko.

"L-Love tumahan ka na please." pag aalo sa akin ni Erik dahil sa walang tigil na pag iyak ko.

Lahat naman ginawa ko, halos ipinaubaya ko na nga ang lahat kahit siya na lang ang natira sa akin, pero bakit pati siya kinuha Mo?

Ang lupit ng tadhana.

I looked at Erik, patuloy din siya sa pag-iyak habang nakayakap sa akin. He's also hurting, ngayon ko lang siya nakitang umiyak nang ganito sa loob ng ilang taon kaming magkasama.

Pero mas nasasaktan ako. Kumalas ako sa pagkakayakap niya. Ayoko na, wala nang dahilan para magtiis ako sa  kanya.

"KASALANAN MO 'TO! KUNG HINDI DAHIL SAYO, HINDI MAWAWALA ANG ANAK KO!"

Wala akong ibang maramdaman ngayon kundi ang poot.

"Sorry h-hindi ko alam. Ge, kung sinabi mo lang sa ak----"

"HUWAG MO AKONG PANGUNAHAN! BAKIT ERIK, BAKIT PATI ANAK KO HA?!"

Kinuha na nila lahat sa akin. Hindi pa ba sapat na masaya siya sa piling ng iba at ako miserable? Kasalanan niya, wala akong ibang nararamdaman ngayon kundi ang sama ng loob sa kanya, sa kanilang lahat at sa mundo.

"Pareho lang tayong nawalan, bakit ka ganyan?! Anak natin yun Ge."

"HINDI MO AKO NAIINTINDIHAN! KUNG PINABAYAAN MO NA LANG SANA AKO, HINDI MANGYAYARI TO! HINDI SIYA MAWAWALA SA AKIN! HINDI MAWAWALA ANG ANAK KO!" itinulak ko siya palayo sa akin, ayaw kong maramdaman siya, hindi naman totoo ang pag ibig niya, "Bakit mo sila hinayaan? Bakit mo hinayaang kunin nila ang baby ko ha?! Sino ka para magdesisyon para sa akin? Para sa amin ha?"

Secrets Beyond the StarsWhere stories live. Discover now