CHAPTER 36🌿✨ -Her First Love

1.4K 51 1
                                    


HAPPY BIRTHDAY sa nag- iisa at habang buhay kong sinisinta. (panis, ang lalim nun!) Happiest birthday Love. Always remember that I got you no matter what, ikaw ang ligaya't pag ibig ko. I love you and I always will. See you later!

Love, Pogs

Napangiti ako nang paggising ko ay yun ang unang bumungad sa akin pagkadilat ng mga mata ko. Itinabi ko ang card sa bedside table tsaka inamoy ang bulaklak.

Hay ang sarap naman ng ganito. Saktong sakto, may ngiti kaagad pagkagising mo.

Today is my birthday.

Ang bilis ng panahon, akalain mo nga naman, ilang taon na lang ay lalampas na ang edad ko sa kalendaryo.

Pero ayos lang, tatanda naman ako kasama ang taong mahal na mahal ko.

Pero nagtaka ako nang maalala ko ang nakalagay sa sulat. Anong see you later e magkasama kami---

I looked around the whole room pero walang ni isang bakas niya.

Nasaan na nga pala si Erik?

------------------------

"ATE Irene, nasaan po si Erik?" kaagad na tanong ko pagkababa ko sa hagdan

Nakangiti naman akong nilingon ni Ate Irene habang abala siya sa paghahanada ng almusal sa lamesa.

"Aay good morning ma'am gising na pala kayo. Happy Birthday!"

"Naku, salamat po ate!" nakangiting tugon ko naman at dahan dahan na muling bumaba sa hagdan. Ang bigat naman kasi nitong Santos na nasa tiyan ko.

"Si Erik po?" tanong ko ulit

"Aaah si Sir Pogs? Hindi ko alam eh, maagang umalis kanina. Ang bilin niya lang sa akin, asikasuhin ka daw pagkagising mo."

"Saan naman daw po ang lakad niya?"

"Ay ayun lang. Hindi naman sinabi kung saan siya pupunta."

Nakakapagtaka.

Hindi rin siya nagpaalam man lang sa akin kahit sa text, wala rin naman siyang trabaho ngayon at isa pa, umalis talaga siya sa araw ng birthday ko?

Kagabi kasi ay dito siya natulog sa bahay ko dahil nga gusto ko na nandito siya sa araw na 'to at bukod doon wala namang bago sa ganoong sitwasyon.

Walang bonggang selebrasyon dahil sa hindi na nga ako pwedeng lumabas ng bahay.

Plano lang talaga namin na kumain at magtanghalian kasama ang pamilya ko at pamilya niya. Tama lang para ipagdiwang ang kaarawan ko.

Nakakapagtaka tuloy talaga, ano nanaman kayang pinagkakaabalahan niya sa labas samantalang dito lang naman kami magcecelebrate mamaya?

Hmmmn hindi kaya?

"Ah, mukhang alam ko na." tanging sabi ko na lang at napangiti sa naisip ko.

Hmmn baka isusurprise niya ako no?
-------------------------
NANG magtanghalian dumating na si Erik. Nakaupo lang ako sa may sala habang nagi-internet nang pumasok siya sa pintuan.

Nakita ko naman na sumunod na pumasok sila Kuya Boy na may mga dalang pinamili na cake, ice cream at kung ano ano pa.

Siguro yun ang dahilan kung bakit siya lumabas. So, yun lang yun?

Walang surprise?

"Hi Love, happy birthday misis ko." sabi niya at humalik sa akin.

"Misis ka dyan, saan ka galing ha? Ang aga aga wala ka dito sa bahay." pagtataray ko.

Secrets Beyond the StarsWhere stories live. Discover now