CHAPTER 40🌿✨ -Mrs. Santos

1.7K 46 6
                                    

(A/N: BAWAL SA BATA. UULITIN KO, BAWAL SA BATA. SUBMIT MUNA KAYO NG BIRTH CERTIFICATE BAGO ITO BASAHIN. AT DAHIL LAGI KAYONG BITIN NOON ETO NA, LIGHT LANG SYEMPRE WHOLESOME PA RIN DAPAT.)

"SUS SABIHIN mo lang kamo hindi ka pa nakakamove on sa akin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"SUS SABIHIN mo lang kamo hindi ka pa nakakamove on sa akin."

I rolled my eyes.Ang hilig niya rin talagang makipag asaran.

"Ang kapal. Aba hoy Angeline Santos para sabihin ko sayo hindi ka maganda. Hindi ko nga alam kung bakit kita niligawan eh." maloko na sabi ni Marionn.

Medyo kinilig ako sa part na Angeline Santos ah.

Kung nandito lang siya ngayon sa harap ko baka nilunod ko na siya sa sobrang inis ko.

"Sinungaling, baka gusto mong ipabasa ko sayo yung mga text mo noon sa akin nung nililigawan mo pa ako."

"Hah, grabe bakit pakiramdam ko ngayon nagbago ka na? Porket masaya ka na ganyanan na Angge?"

"Wala akong pakialam. Ano ba? Tumawag ka lang ba para inisin ako ha?"

I heard him laugh

"Hindi naman, tumawag ako para magpabili ako ng pasalubong. Uwian mo ako ng buhangin galing diyan ha." malokong sabi niya.

Siraulong 'to, gusto pa yatang madeport kami ng asawa ko nang wala sa oras.

Natawa na lang ako, "Maraming buhangin sa hardware, bumili ka. Aabalahin mo pa ako." sabi ko at lumingon sa loob ng kwarto na kita dahil sa glass door lang ang pagitan ng terrace at ng kwarto.

Hindi pa rin yata siya tapos maligo?

I shrugged.

"Ikaw din kasi ni hindi man lang tayo nakapag usap nung kasal mo, bigla kayong nawala. Hindi na nakapagpigil sa honeymoon?"

Natawa na lang ako, oo, umattend si Marionn sa kasal namin.

At oo, si Marionn ang kausap ko ngayon. Tumawag lang siya para kamustahin kami ni Erik at para icongratulate ulit kami. Ang totoo niyan, si Marionn kasi ang naging coordinator namin para sa bakasyon namin na 'to. Businessman siya kaya marami siyang connections.

Masaya rin naman ako kasi naging maayos ang pagtanggap niya sa naging desisyon ko. He is a good man.

"Loko. Hindi ah, may pinuntahan lang kaming importanteng lugar sa aming dalawa." sagot ko naman.

I can't help not to smile kapag naaalala ko yung unang gabi namin ni Erik bilang mag asawa.

That was definitely one of the sweetest nights of our life.

Kahit kailan talaga, hindi nagsasawa si Erik na bigyan ako ng mga panibagong surpresa.

Sa totoo lang, hindi ko akalain na maiisip pa ni Erik na gawin yun sa gabi na importante sa aming dalawa.

Secrets Beyond the StarsWhere stories live. Discover now