CHAPTER 1🌿✨ -Darkest Shine

1.4K 45 0
                                    

ANGGE'S POV:

TEXT:

'Ate handa na lahat para sa operasyon ni Mama Bob. Maya maya dadalhin na siya sa operating room. Sabi ng doktor tatagal daw ng anim na oras ang operasyon pero h'wag kang mag alala Ate, nandito naman kami. Kami na ang bahala kay Mama Bob kaya huwag mo muna kaming intindihin. Galingan mo sa pagkanta ngayong gabi Ate ha? Mahal ka namin.'

Nanghihina kong ibinaba ang cellphone kasabay ng pagpunas ko sa mga luhang sunod sunod na pumapatak sa mga mata ko.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sobra akong nanghihina sa mga oras na 'to.

"Oh ladies, 15 minutes na lang magsisimula na ang show! Be ready! Talent coordinators, stand-by na!"

Sa narinig kong pagsigaw ng floor director ay lalo akong napaiyak.

Matapos kong mabasa ang text sa akin ng kapatid ko ay parang nawalan na ako ng lakas at gana para magperform ngayon.

Parang gusto ko na lang tumakbo paalis dito at pumunta kay Mama.

Gusto ko siyang makita, gusto kong manatili sa tabi niya sa mga oras na ito dahil alam kong kailangan niya ako.

Pero heto ako, nakasuot ng kulay luntiang bistida at kung anu anong mga kolorete. Nandito sana ako para tuparin ang isa sa mga malalaking pangarap ko sa buhay--- ang isa sa mga pangarap namin ni Mama.

Dinig na dinig ko ang ingay sa paligid ko. Sandali kong iniangat ang paningin ko para makita kung ano na ang nangyayari.

Kahit nanlalabo na dahil sa patuloy na pagluha ko ang aking paningin ay nakita ko na ang lahat ng tao sa paligid ko ay nagmamadali at nagkukumahog para sa gabing ito.

Lahat sila paroon at parito abala sa paggawa ng mga trabaho nila. Yung iba pa nga sa mga kasama ko ay nandiyan ang mga pamilya nila para suportahan sila.

Samantalang eto ako, mag-isang umiiyak.

Kung nandito lang sana ngayon si Mama Bob, edi sana hindi ako ngayon nag iisa. Sana may magsasabi din sa akin na kaya kong lampasan ang lahat nang ito.

Pero wala.

Malungkot kong itinungo na lang ulit ang ulo ko at umiyak dahil sa naalala ko.

Siguradong papagalitan ako ni Nanay Bianca kapag nadatnan niya ako sa itsura ko ngayon.

Pero hindi ko na talaga alam, hindi ko na yata kayang ituloy 'to. Habang tumatakbo ang oras, patuloy kong naiisip ang kalagayan ng Mama ko.

Gusto ko siyang makita ngayon. Hindi ko kaya kung mawawala siya sa akin, hinding hindi ko kakayanin.

Halos ilang minuto na akong umiiyak na nakatungo nang may maramdaman akong tumapik sa likod ko.

Inisip ko na si Nanay Bianca na iyon na nakabalik na galing sa pagbili niya ng makakain kaya hindi ko agad siya hinarap dahil alam kong papagalitan niya lang ako.

"Nay sorry ayoko na kumanta. Hindi ko na yata kaya, gusto ko nang makita si Mama." pahikbing sabi ko habang patuloy pa rin sa pag iyak nang nakayuko.

"Ngayon ka pa ba susuko kung kailan malapit ka na sa mga pangarap mo?" narinig kong sagot nung boses.

Dahil doon ay unti-unti akong tumigil sa paghikbi ko nang marinig ko na hindi naman si Nanay Bianca ang nagsalita.

Isang pamilyar pero hindi inaasahang tinig ang narinig ko.

Dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko para makita kung sino ang nasa harapan ko at nang makita ko na ay nakita ko siyang matamis na nakangiting nakatitig sa akin.

Secrets Beyond the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon