CHAPTER 11🌿✨ -Meeting 'Her'

1.2K 40 1
                                    

"Oo diyan sa may kanto Love, tapos kaliwa ka doon sa may dilaw na bahay. Ayan, tapos liliko ulit tayo dun sa may parang grocery. Oh mag-ingat ka naman, baka makabangga ka!"

Diretso lang akong nakatingin sa daanan habang itinuturo ko kay Erik ang direksyon kung saan kami pupunta.

Medyo tensyonado din ako habang sinasabi sa kanya ang daan dahil pinagtitinginan ang kotseng sinasakyan namin.

E paano ba naman, Mercedez Benz ba naman ang napili niyang sakyan ngayon kahit na sinabi ko na sa kanya na hindi pwede yun sa pupuntahan namin dahil masyadong matao at masikip ang lugar.

Nataranta pa nga ako kanina noong may biglang tumawid na bata. Mabuti na lang ay maingat siya.

"Oh chill lang mahal kong reyna. Hinahigh blood ka nanaman." natatawang sabi niya sa akin.

"Ikaw kasi eh, dahan-dahan lang. Kinakabahan ako sayo Pogs eh." sabi ko habang diretso pa ring nakatingin sa daan.

"Saan ba kasi tayo pupunta Love? Bakit ba ayaw mong sabihin na lang baka sakaling alam ko yung daanan diba?"

"Hindi mo alam kaya ma-gdrive ka na lang nang maayos diyan. Ang daldal mo masyado." sabi ko na lang at inayos ang damit ko.

"Surprise? Ah alam ko na, sa simbahan tayo pupunta 'no? Magpapakasal na ba tayo, Love? Ikaw ha, kinidnap mo pa ako. Shotgun marriage ah." sabi niya sabay tawa

Wow, seryoso ba siya na naiisip niya pa yan?

Tiningnan ko naman siya nang masama kaya tumigil siya sa pagtawa.

"Sabi ko nga tatahimik na lang si Pogs, sabi ko nga hindi sa simbahan ang punta nila ngayon ni Sexy." sabi niya pa at umakto pang izinipper ang bibig niya.

Napailing na lang ako pero sa loob loob ko ay kinikilig nanaman ako sa kacute-an niya.

Napakarami naman kasing tanong.

Hindi pa kami ngayon pupuntang simbahan chill lang kayo, wala pang kasalan dito, okay?

Pero saan nga ba kami pupunta?

Ewan ko ba kasi kung anong pumasok sa isip ko kung bakit dito kami papunta ngayon.

Hindi ko alam pero kaninang umaga, paggising ko ay bigla ko na lang naisip na gawin 'to.

Ewan ko rin, parang may nagsasabi sa akin na kailangan na.

Kailangan na silang magkakilala.

Nang mapansin ko na malapit na kami ay agad ko nang inayos ang mga gamit ko. Mukhang napansin naman ni Pogs ang ginawa ko dahil napalingon siya sa akin.

"D-Dito na ba?" sabi naman niya sa akin pero parang nasa mukha niya na ang kaba habang sinasabi niya ang mga salitang iyon.

I smiled at him bago tumango.

"Ihinto mo na lang diyan sa tapat ng eskinita." sabi ko sa kanya na sinunod niya rin naman.

"Love." tanging sabi niya at tumingin sa akin.

I held his hand at muling ngumiti sa kanya. Mukhang alam niya na kung sino ang pupuntahan namin.

-------------------------

"ANO Love, okay lang ba ang itsura ko? Yung damit ko, bagay ba? Hindi naman ba magulo yung buhok ko?"

Paulit-ulit na tanong ni Erik habang naglalakad kaming dalawa papasok ng maliit na daanan kung saan kami papunta.

For the nth time ay tumango ako. Haaay kanina pa siya ganyan magmula nang marealize niya kung sino ang kikitain namin ngayon.

"Love, relax. Ang gwapo mo kaya." sabi ko naman habang hawak pa rin ang kamay niya.

Secrets Beyond the StarsWhere stories live. Discover now