CHAPTER 25🌿✨ -You Almost Knew

1K 43 1
                                    

MALAKAS na napabuntong hininga ako nang tumapat ang kotse ko sa isang pamilyar na gate.

Pintuan pa lang ay alam na alam at kabisado ko na ang bahay na nasa likod nito.

Tila nilukob nanaman ng matinding kaba ang puso ko nang makita ko kung nasaan na ako pero agad kong pinalis ito dahil alam kong ito na ang dapat na gawin ko.

Wala nang atrasan pa, ito na talaga.

----SHORT FLASHBACK----

"CONGRATULATIONS MISS ANGELINE. YOU'RE TWO MONTHS PREGNANT! MAGIGING MOMMY KA NA!"

Hindi ko mapigilang hindi lumuha dahil sa narinig ko.

Hawak hawak ko ngayon ang resulta ng naging test sa akin.

It's confirmed. I'm carrying Erik's child.

"I'm so happy, buong akala ko talaga noon hindi na kayo pero tingnan mo nga naman, magkakaanak na kayo ng kaibigan ko." nakangiting sabi ng gynecologist ko.

Napataas naman ako ng tingin sa kanya at ngumiti.

Yes, former classmate at kaibigan ni Erik ang nagcheck up sa akin. Mas minabuti ko na na sa kanya ako pumunta para masigurado ko na hindi malalaman ng ibang tao ang sitwasyon ko.

Noon ay madalas kaming nagkikita sa tuwing isinasama ako ni Erik sa mga lakad nila ng mga dati niyang kaibigan kaya naman kilala niya ako.

Kaya nga gulat na gulat siya kanina nang makita muli ako. Sino nga bang mag aakala na magkikita kami sa ganitong sitwasyon na?

"Salamat Anne. Babalik na lang ako sa next check up ko." sabi ko naman sa kanya at inayos na ang gamit ko.

Tumango naman siya sa akin.

"Oh basta ha, just call me in case you need something. Kailangan kitang alagaan kasi kaibigan ko ang daddy ng baby mo. Nako, I'm sure matutuwa si Erik kapag nalaman niya. Galingan mo sa pagsusurprise sa kanya ha? Iyakin pa naman yun." sabi pa nito sa akin.

Ngumiti na lang ako.

Ni hindi ko nga alam kung paano ko sasabihin 'to. Pero bahala na.
----END OF FLASHBACK----

MATAPOS kong manggaling sa ospital kanina para kumpirmahin na buntis nga ako ay agad akong dumiretso sa bahay nila Erik para sana makausap siya kahit na ni hindi niya sinasagot ang mga tawag ko.

Kinakabahan ako at sa kabilang banda ay nag aalala dahil ni isang text ay wala akong natanggap mula sa kanya.

Ni wala siyang paramdam mula pa noong umuwi kami dito sa Pilipinas. Oo, halos isang linggo na yun.

Ang sakit, ni hindi niya man lang talaga pinilit na ipaliwanag. Mula noong araw na yun ay wala man siyang ginawa para makausap ako.

Pero sige, nandito na tayo, panindigan na natin 'to.

Isa pa ay naniniwala ako na kailangan niyang malaman, kung tutuusin, siya nga dapat talaga ang unang nakaalam.

Sa ngayon, pipilitin kong kalimutan ang sarili ko alang -alang sa batang ito.

Akmang magdodoorbell na sana ako sa pintuan nang kusang bumukas na rin ito.

Tila nasurpresa siya nang makita ako.

Surpresa naman kasi talaga. Hindi ko rin inaasahan na makakarating ako dito ngayon. Ni wala nga akong dala na kahit na ano para sa kanila bukod sa katotohanan na ni hindi ko nga alam kung ikasisiya ba nila

Secrets Beyond the StarsWhere stories live. Discover now