CHAPTER 8🌿✨ -The Life That We Have

1.4K 49 2
                                    

"MAMA BOB, ATE IRENE NANDITO NA PO AKO!"

Hindi pa man ako nakakapasok ng pintuan ng bahay ay kaagad na akong sumigaw nang malakas pagkababa ko pa lang ng kotse.

Alas syete na ng gabi, kauuwi ko lang galing sa taping ng isa sa mga shows ko.

Ilang sandali naman ay lumabas na rin si Ate Irene para tulungan ako sa mga pinamili ko.

Galing din kasi ako ng grocery para mamili kanina ng mga kailangan namin sa bahay.

"Ate, si Mama Bob po?"

"Nandoon Ma'am sa kwarto niya."

Napakunot naman ang noo ko at napatanaw sa sala. "E bakit nakabukas ang lahat ng ilaw sa sala?"

Pero imbes na sumagot ay nagkibit balikat lang ito at nauna nang pumasok ng bahay.

Napailing na lang ako.

Maya-maya lang ay naisipan ko na ring pumasok ng bahay nang makuha ko na lahat ng kailangan ko.

Habang papasok ako ng bahay ay iniisa-isa ko ang mga pinamili ko.

"Hmmmn tissue, cleanser, alcohol, essential oils, ano pa ba?" pagsasalita ko mag isa habang tinitingnan ko ang mga pinamili ko hanggang sa nakapasok na ako sa sala.

Pero, napatigil ako sa pag iisip nang makita ko kung sino ang naghihintay sa akin sa may sofa.

"Love." pagtawag niya sa akin

Love daw.

Tse.

Inirapan ko lang siya at umakto na hindi ko siya napansin at nagpatuloy sa paglalakad.

"Ah, lotion. Nakalimutan ko pala." sabi ko naman ulit sa sarili ko at nagmamadaling umakyat papunta sa kwarto na kunyari ay hindi ko naririnig ang paulit-ulit na pagtawag ni Erik sa akin.

Nakakainis, bakit nandito siya?

--------------------

Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na rin ako ng kwarto ko.

"Ate Irene aalis lang po ako sandali." paalam ko naman.

Lumakad na ako patungo ng labas ng bahay.

Nakita kong napatuwid ng upo si Erik mula sa kaninang parang inaantok na na itsura niya sa sofa. Para ngang kaunti na lang makakatulog na.

"Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong niya na para bang nag aalangan kung tatayo ba siya o ano.

Nilingon ko naman siya. Doon ko rin napansin na may dala pala siyang bulaklak at medyo nagningning ang mata ko nang makita ko ang nasa tabi nito.

Matcha-flavored na donuts na paborito ko.

Ah hindi. Galit nga pala ako.

"Bibili ng lotion sa Watsons, naubusan ako." sabi ko at tutuloy na sana na lumabas ng pintuan nang magsalita ulit siya.

"Bakit ikaw pa? Mag uusap tayo."

"Ayoko, tsaka bakit ka ba nandito? Umuwi ka na, may trabaho ka pa bukas diba?"

"Sasama na lang ako."

"Hindi."

Simpleng sabi ko at lumabas na kaagad ng pinto at sumakay sa sasakyan at pinaandar ito.

Napabuntong hininga na lang ako. Ano ba kasing ginagawa niya dito? Bakit ang bilis niya namang manuyo?

Kagabi kasi ay nag away nanaman kami. Ikukwento ko pa ba kung bakit? Okay sige dahil gusto niyo ng chismis eto.

Secrets Beyond the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon