CHAPTER 15🌿✨ -Mommy Na?

1.2K 39 0
                                    

"AAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!"

Napabalikwas ako nang marinig kong may sumigaw sa tabi ko.

"YENGGAY?! BAKIT? ANONG NANGYARI?" tarantang tanong ko sa kanya.

Halos tumalon siya mula sa kinauupuan niya habang hawak hawak ang cellphone niya na tinitingnan niya.

"GE! OMG ANG SAYA SAYA KO!"

"HA?! BAKIT BA ANO BANG MERON?!" tanong ko ulit.

"GE! NANGANAK NA SI MIKI! OH MY GAHD!!!" masaya at malakas muli na sabi niya sabay ipinakita sa akin ang picture sa cellphone niya.

Miki?

Sinong Miki?

Ah

Walang gana akong napabalik muli sa posisyon ko sa pagkakaupo noong kaninang natutulog ako.

Si Miki---yung alaga niyang pusa.

"Nakakaloka ka naman Yenggay! Halos mahulog ako dito sa gulat oh. Akala ko naman kung ano na ang nangyari sayo." sabi ko

"Eeeeh sorry naman Ge! Ang saya saya kaya! Finally may baby na ulit si Miki. Marami na ulit kaming maaalagaang kuting!" sabi naman niya at maya maya ay narinig ko siyang bumuntong hininga "Haaay kami kaya kailan magkakaroon ng mga ganito?"

I looked at her "Ang alin Yenggay? Ng mga kuting? Hindi mo naman sinabi sa akin agad Yenggay. Mag mga kuting doon yung kapitbahay namin edi sana hiningian kita." biro ko pero sa seryosong tono.

Natawa naman siya.

"Kainis 'to, kalokohan, ewan ko sayo Ge!" she then sighed "Haaay pero seryoso, kailan kaya kami magkakababy? Excited na ako Ge. Kapag nagkababy ako, kukunin kitang Ninang kagaya nung sinabi mo noon sa akin."

She looks so hopeful. Alam ko naman na noon pa, yun lang ang tanging gusto at hinihiling ni Yenggay. Kaya nga, iyon din ang palaging wish ko para sa kanya.

"H'wag kang mag alala Yenggay. Alam naman natin na ibibigay yan ng Diyos sa tamang panahon." I hopefully replied na nagpangiti sa kanya.

"Haaay alam mo Ge, kapag ako naging mommy na, ibibigay ko ang lahat. Kasi matagal namin siyang hinintay e. Gagawin ko ang lahat para maging isang mabuting ina." she then sighed. "Oh baka naman mauna ka pa sa akin ha?"

Tumawa na lang ako sa huling sinabi niya.

Bigla din naman akong napaisip sa mga tinuran niya. Years from now alam ko na darating din yung ganitong punto sa buhay ko. Na magkakaroon din ako ng sariling anak, ng pamilya.

Dahil din sa sinabi niya naalala ko kung paano ako inalagaan at pinalaki ni Mama Bob nang siya lang mag isa. Kung paano siya tumayong ama at ina para sa akin.

Naisip ko lang din,  paano nga kaya kapag ako na ang naging nanay?

Magagawa ko rin kaya ang lahat ng sakripisyong ginawa ni Mama Bob para sa akin noon?

"Oy oy ano yan ha? Sinong magiging mommy na?"

Naputol naman ang pag aanalyze ko nang dumating bigla ang isa din sa mga maiingay sa buhay ko.

"Sinong magiging mommy na? Ikaw ba?"

"Baliw ka ba?" naiiling na tanong ko.

"Oo, baliw sayo. Ayieee."

I frowned, ang harot talaga ng lalaking 'to.

"Ano nga, sino ngang magiging mommy na?" pangungulit pa niya.

Bumuntong hininga ako at muling sumandal sa upuan.

"Wala, yung pusa lang yun nila Yenggay." sagot ko na lang.

Secrets Beyond the StarsWhere stories live. Discover now