CHAPTER 3🌿✨ -Back

1.1K 43 0
                                    

ANGGE'S POV:

REEL BUT NEVER REAL: ANGELINE QUINTO HANGGANG FRIENDS LANG DAW SILA NI ERIK SANTOS.

I heavily sighed nang makita ko ang headline ng isa sa online news sa Internet.

Heto nanaman tayo, we're facing the same scenario as usual.

"Nak, nabasa mo na?!" biglang sabi ni Nanay Bianca sa akin at tumayo pa sa kinauupuan niya.

Tumango na lang ako and bitterly smiled.

"Wala naman akong magagawa Nay."

"Hay nako mga showbiz people talaga ang galing gumawa ng kwento, oh e anong sabi ni Pogs sayo? Nakita niya na ba yan?" tanong pa ni Nanay sa akin.

I sighed. Wala eh, yun ang trabaho nila-- ang gumawa ng pag-uusapan ng maraming tao.

"Hindi ko alam Nay, hindi pa nga siya nagtetext o tumatawag simula kagabi." malamyang sagot ko.

Nakita ko namang sumimangot si Nanay dahil sa sinabi ko at agad niya akong nilapitan.

Lumabas na kasi yung interview ko kagabi sa isang press conference at syempre bilang artista, tinanong nila ako kung kamusta na kami ni Erik at siyempre sinabi ko na magkaibigan kami dahil yun naman ang totoo.

Oo, magkaibigan naman talaga kami pero higit pa doon ang turing namin sa isa't isa.

Magulo di ba? Parang kami pero hindi.

"Nakakaimbyerna kasi Nak! Hindi ba hindi naman yun ang sinabi mo?! Ang sabi mo lang naman friends kayo. Magkaiba yun sa mismong sinabi nila." disappointed na turan ni Nanay Bianca sa akin

Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya.

Wala eh, this is the life that we're into. Dapat na akong masanay... kami.

Kahit kasi gaano ko kagustong sabihin sa lahat, hindi naman pwede.

Alam kong nasaktan nanaman si Erik sa sinabi ko sa interview pero wala akong magagawa.

Hindi ko basta na lang pwedeng sabihin sa lahat na mahal na mahal ko siya. Hindi pwede, hindi pa pwede.

Dahil sa akin, hindi pwedeng malaman ng lahat kung ano kami.

"Miss Angeline ready na po tayo, magsstart na po in 10 minutes."

Nginitian ko lang ang isang staff na tumawag sa akin bago ako tumayo para lumabas na ng dressing room.

Taping kasi ngayon namin para sa isang weekend show kung saan ako kasali.

Mag-isa ako ngayong nagkalakad papunta sa studio dahil hindi pa nakakabalik si Ate Irene galing sa baba para bumili ng pagkain. Si Nanay Bianca ay nagpaiwan na lang sa dressing room para magpahinga.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa cellphone ko.

Napakunot ang noo ko nang makita kong hindi pa rin siya nagtetext. Ano bang nangyari?

Galit ba talaga siya?

I sighed bago ko naisipan na itext na lang siya. Wala namang mangyayari kung magpapakiramdaman pa kaming dalawa.

TO: LOVE

Mahal ko, galit ka ba?

*sent*

Medyo nag aaalala naman ako kasi mula kahapon ay hindi siya tumawag sa akin matapos nung interview ko na malamang ay napanood niya na kaya hindi niya ako kinikibo ngayon.

Secrets Beyond the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon