CHAPTER 9🌿✨ -Treasure

1.6K 48 3
                                    

Angge's POV:

It's been a very busy day. As usual may trabaho pa rin ako, katatapos lang ng taping namin para sa isa kong show.

Kasalukuyan naman akong nagliligpit na ng mga gamit ko. Hindi ko kasi kasama ngayon si Ate Irene dahil may pupuntahan pa ako.

Matapos kong magligpit ay tiningnan ko naman ang sarili ko sa salamin. Suot ko pa rin ang damit ko kanina para sa taping.

Nakarompers ako na green at heels dahil iyon ang theme namin ngayon. Kung tutuusin ay okay naman pero feeling ko ay hindi ito tama sa okasyon kaya agad kong itinext si Erik para pagmadaliin na siya nang makadaan pa kami sa bahay bago kami umalis.

Kanina pa nga rin siya hindi nagtetext kaya hindi ko alam kung nasaan na siya. Kanina lang kasi ay sinabi niya na hinatid niya lang ang Tatay at Nanay niya pati ang bunso nila sa airport dahil magbabakasyon ang mga ito sa Cebu ng isang linggo pero siguro naman parating na siya.

Dahil nainip na ako maya-maya lang ay lumabas na rin ako at dahil anong oras na ay napagpasyahan kong lumakad na para hintayin siya sa parking lot.

Habang naglalakad ako ay bigla namang nagring ang telepono ko kaya agad kong tiningnan kung sino ang tumatawag. Umaasa ako na sana si Erik na pero hindi...

*Ate Vice calling*

Napabuntong hininga naman ako bago sinagot ang tawag habang naglalakad pa rin ako palabas ng building.

"Hello te? Happy birthday!" pinilit kong pasiglahin ang boses ko kahit na ang totoo ay dismayado ako.

"Angge! Awww thank you baby sister ko! I miss you!" masayang sabi niya, "Oh ano na nasaan ka na?"

"I miss you too. Nandito pa ako sa studio."

"Oh akala ko ba pupunta ka? Inaantay ka na ng mga tiyahin mong beki dito oh!" sabi naman nito sa akin.

"Oo naman pupunta ako 'no, chill ka lang katatapos lang kaya ng taping ko pero pauwi na ako para magbihis."

"Aba dapat lang. Paspecial ka ah, ako ang may birthday ako pa ang tumatawag. Tsaka teka nga, bakit parang ang lungkot yata ng boses mo ha? Anong drama natin girl?" nagtatakang sabi niya

"H-Ha? Hindi ah, masaya kaya ako. Issue ka." pabiro ko namang sabi

"Weh Angeline, memetey? Naku boses mo pa lang no alam na alam ko na na may ineemote ka. Nasaan ka na ba kasi, akala ko ba pupunta kayo ni Erik?"

Napabuntong hininga naman ako. "Yun na nga e, pupunta kami pero hanggang ngayon wala pa ring Erik na nadating dito." inis na pag-amin ko.

"Ayoooon kaya ka badtrip, di pa nagpapakita ang lalaki mo." biro naman niya

"Ate naman eh!"

Lalaki talaga?

"*laughs* Char lang ito naman! E baka naman kasi may dinaanan lang si 'Pogs' mo. Ikaw naman masyado kang mainitin ang ulo para ka laging maagawan, di mo naman jowa."

Minsan talaga wala ring preno ang bibig nito.

"Alam ko. Kelangan paulit-ulit pa?" birong pataray na sagot ko naman sa kanya dahilan para tumawa siya.

"Hay nako ikaw talaga napaka ano mo basta si Erik ang usapan. O siya sige na basta pumunta kayo ah. Aasikasuhin ko muna ang boylet dito para pag di ka sinipot ni Erik makaawra ka sa mga otoks dito. Byeee!"

Hah. As if naman. Baka mapatay kami pareho nung lalaki ni Pogs kapag ginawa ko yun.

Ipinatay ko na ang tawag at nagsimula na ulit maglakad.

Secrets Beyond the StarsWhere stories live. Discover now