CHAPTER 30🌿✨ -Confessing in the Wind

1.1K 41 3
                                    

"GE! KAILANGAN KO NG TULONG MO!"

Napatigil ako sa pag aayos ng mga gamit ko sa maleta nang sagutin ko ang tawag ni Ate Dhang.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Wala akong ibang unang taong naisip nang sagutin ko ang tawag niya.

Si Erik lang

"Hello Ate Dhang, bakit? Anong nangyari?" kabadong tanong ko rin.

Sandali kong isinara ang maletang inaayos ko at umupo sa kama.

"Si Tenten kasi eh..."

'Kuya huwag nang matigas ang ulo, umuwi na tayo.'

Si Ron ba yung naririnig kong nagsasalita?

"Bakit Ate, anong problema kay Erik? Si Ron ba yun?"

Masyadong maingay ang paligid kung nasaan sila kaya naman alam ko na rin kaagad kung ano bang nangyayari hindi niya pa man sabihin.

"Oo Ge, e ayaw kasi umuwi. Kanina pa kaming nandito sa bar kasi ipinasusundo na siya ni Nanay. Pero eto ayaw umuwi, hinahanap ka."

'Ayoko! Hindi ba kayo nakakaintindi?! Sabi na ngang ayoko umuwi diba?!'

I can almost hear Erik's shouts on the other line.

Parang may kung anong tumusok sa puso ko nang marinig ko ang boses niya.

Ramdam ko ang hirap na nararamdaman niya.

Pero hindi lang naman siya ang nahihirapan. Pareho kaming dalawa.

"Kanina pa po ba siya nag iinom?" tanong ko naman.

Ang alam ko nga ay kanina raw ay hindi ito dumaan sa office kahit na ipinapatawag siya ng manager namin para sa meeting sa bagong song cover niya.

Tapos ngayon, malalaman ko na lang bigla na nagpapakalunod nanaman pala siya sa alak?

"Oo eh, lasing na lasing na nga Ge. Kailangan ka namin dito ngayon. Pwede ka bang pumunta dito kahit saglit? Iuwi lang natin si Tenten oh."

I sighed in defeat.

"Nasaan po kayo ngayon Ate Dhang?" sabi ko at pumunta sa closet ko para kumuha ng magpalit ng damit.

I need to see him.

"Sige Ate Dhang papunta na ako."

I ended the call.

-------------------------
🗾: BAR

Sobrang gulo ng paligid.

I can see a lot of people dressed with their party outfits.

Nakakabulag ang pagkislap ng mga ilaw, iba't iba ang kulay na nagpapalit palit na nagsisilbing liwanag sa madilim na espasyong ito.

May amoy ng alak, pabango at sigarilyo.

Naninibago ako, ilang buwan na rin pala mula noong huling pumasok ako sa lugar na kagaya nito.

Wala naman sana akong balak pumasok muli kung hindi lang dahil sa iisang tao na ngayon ay hinahanap ko.

I scanned through the cheerful crowd only to find that grieving soul tonight.

Iisa lang ang pakay ko dito ngayon at wala nang iba.

And there, nakita ko nga siya.

Halos maiyak ako sa nakita ko. Parang hindi ko yata kaya na titigan siya mula dito sa kinatatayuan ko.

'Ayoko ayokong umuwi. Iwanan niyo na nga kasi ako dito.'

Malayo pa lang ako ay kita ko na ang itsura ni Erik. Hindi ko maiwasang may kumurot sa puso ko nang makita siya.

Secrets Beyond the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon