CHAPTER 19🌿✨ -Into Something Neglected

1.1K 41 1
                                    

'Sorry nakchi hindi ako makakagora tonight. Need maglavada ng nanay mo sa debut ng junakis ng aking shupitbaler. Bawi na lang akez next time. Mwah mwah. -NANAY BIANCA'

Bumuntong hininga na lang ako pagkabasa ko ng text na karereceive ko lang ngayon, wala na, ano nang gagawin ko dito?

Kung kailan naman batong bato na ako sa bahay oh!

Matamlay ko na lang na ibinalik sa bag ko ang telepono at tumingin sa paligid, e ano pa nga ba?

Edi nganga.

Hindi makakapunta si Nanay Bianca dito ngayon sa mall dahil may biglaang trabaho.

So paano na?

Tiningnan ko naman ang orasan ko, alas sais na rin ng gabi, kagagaling ko lang sa trabaho kanina at naisip kong yayain si Nanay Bianca na magshopping dahil matagal tagal na rin kaming hindi nakakapagbonding at isa pa ay para maaliw na rin ang sarili ko.

Para naman mawala yung bigat ng nararamdaman ko sa puso ko.

Pero ayun nga, may biglaan siyang event na kailangang puntahan kaya eto, inindian tayo, uuwi na lang.

Nagpa aircon pa ako dito e samantalang may aircon naman sa bahay. Mas malakas.

Tumayo na ako sa kinauupuan kong bench dito sa loob ng mall nang biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Angge?"

Angge? Ako ba?

May nakakilala pa sa akin dito?

Lumingon naman ako para siguraduhin kung ako ba ang Angge na tinutukoy at kung sino ang nagsalita sa malapit sa likuran ko.

"Marionn!?"

Shocks

Si Marionn nga, yung uhm...  manliligaw ko.

He brightly smiled at me habang parang nahihiyang kumakaway at lumapit sa akin.

"Soooo, dito lang pala kita makikita Madam Quinto." pabirong sabi nito sa akin.

"Grabe ha, parang sa tono parang talagang hinahunting mo ako dahil hindi ako nagpapakita sayo." natatawang sagot ko sa kanya

"Bakit hindi ba? Anong ginagawa mo dito, mag isa ka lang? Kailan pa gumala nang mag isa sa mall si Angeline Quinto hmmn. May date ka siguro 'no? Tapos hindi ka rin sinipot?"

'Wow, ano ako ikaw? Hindi sinisipot sa date?' gusto ko sanang sabihin kaso baka naman masaktan ko siya.

Nakakaloka, sa lahat ba naman ng lugar at pagkakataon talaga oh.

"Sira. Di kasi makakarating si Nanay Bianca. May plano kasi sana kaming lumabas ngayon e kaso ayun may biglaang trabaho." I then shrugged

Kilala naman kasi ni Marionn si Nanay Bianca at ang mga taong nakapaligid sa akin.

Halos ilang taon nang nanliligaw sa akin si Marionn at masasabi ko na kahit papaano ay malapit na rin naman kami sa isa't isa bilang magkaibigan.

"Hmmn ganon ba, so bale naghosting ka pala ngayon?"

Ghosting talaga?

I laughed, "Hmmn parang ganoon na nga. E ikaw anong ginagawa mo dito? Nagpapayaman ka nanaman?" sabi ko naman

Isang sikat na businessman si Marionn.

Kung tutuusin ay kabi kabila ang mga negosyo nito sa kahit saan man sa Pilipinas at sa ibang bansa. Kagaya na lang ng mga branches niya ng restaurants na malamang ay inaasikaso niya ngayon.

Secrets Beyond the StarsWhere stories live. Discover now