CHAPTER 23🌿✨ -Fear of Priorities

1.1K 39 6
                                    

----FLASHBACK----
Third Person's POV:

🗾: Bar

"ANO KUYA magpapakalugmok na lang ba tayo dito? Tara, napakabagal naman eh."

Masamang tiningnan ni Erik ang kanyang kapatid na kanina pa paulit ulit na nagsasalita sa harapan niya.

Bakit nga ba kasi ito pa inaya niya?

"Hindi pwede Ron, alam mo namang aalis ako bukas." pagpapaliwanag niya at pinaikot ang yelo na nasa loob ng baso.

Medyo tinatamaan na nga rin siya dahil marami rami na rin ang ininom niya mula kanina pero matino pa naman siya.

Nagpalatak naman ang makulit niyang kapatid.

"Bar hopping na kasi. Minsan lang naman tayo magkasama. Anong oras ba ang alis mo?"

"1pm." simpleng sagot naman ni Erik habang nakatitig sa malayo.

"Oh yun naman pala eh. Ano Kuya, tara! Magpapaalam ako kay Jackee, sasamahan kita." sabi naman nito

Napabuntong hininga na lang si Erik. Talagang hindi siya tinitigilan ng kapatid.

Tatlong oras na silang mahigit na nandito sa isang bar malapit sa bahay nila. Kanina, matapos umalis ni Angge sa office ay balak niya sanang sundan ito pero naisip niya na hayaan na lamang itong makahinga sa mga nangyari.

Mabigat din ang puso niya, bakit ba hindi siya pinapakinggan ng babaeng mahal niya? Hindi niya maintindihan kung bakit kaagad itong nagalit nung nakita siya nito na kasama si Keia.

Gusto niya lang naman makalimot kahit sandali sa mga problema pero heto kinukilit na siya ng kapatid niya.

"Ayoko nga, tsaka na lang. Hindi ako pwedeng malasing."

Kung may iba lang talaga siyang ibang alam na masasamahan siya kaagad sa oras na ito ay hindi niya aayain ang kapatid.

"E bakit nga kasi ayaw mo? Anong dahilan? Tara! Magigising ka pa naman niyan. Pupuntahan kita sa bahay bukas para gising, o di kaya si Mark. Problema ba yun?"

Ala una ng hapon ang alis nila dito bukas at wala siyang kasama sa bahay maliban sa assistant niyang si Mark.

Ayaw niya talagang magpakasobra sa alak ngayon. Hindi pwede..

"Ang kulit, sinabi nang ayaw ko diba?" pagsagot ni Erik

"Bakit nga?" muling tanong ni Ron

Hindi niya rin alam pero kusa na lang na sinabi niya ang totoo.

He sighed before answering.

"Magagalit siya."

"Sino? Sinong magagalit?"

"MAGAGALIT SI ANGELINE!"

Dahil sa sinabi niya ay tila ba nagwagi ang kapatid sa sobrang kasiyahan.

Tumawa naman si Ron dahil sa sinabi niya at napapalakpak pa na para bang inaantay talaga nito ang sasabihin niya.

"Yon, huli!" sabi ng kapatid at itinuro pa siya. "Wala ka pala eh, takot ka rin pala."

Totoo naman kasi talaga, tiyak na magwawala si Angeline kapag nalaman noon na nagpakalunod siya sa alak ngayon lalo pa't hindi sila magkaayos.

Ayaw niya pa namang nagagalit ito sa kanya dahil kung anu ano ang ipinopost sa Twitter. Madalas ay tinatamaan talaga siya.

Kaya nga sa tuwing magkakabati sila ay pabirong pinipingot niya ito. Hindi kasi nagtatanda.

Secrets Beyond the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon