CHAPTER 16🌿✨ -Lamok.jPeG

1.4K 40 1
                                    

"YENGGAY, PAKIKABIT NAMAN NITONG KWINTAS KO OH."

Pagtawag ko ng pansin kay Yenggay na abala din sa pag aayos ng sarili niya.

Wala kasing salamin itong dressing room kaya hindi ko maikabit nang maayos yung kwintas ko.

"Ah sige, teka lang tatapusin ko lang 'to." sabi niya at maya maya tumayo na rin.

Bago niya naman ikinabit ang kwintas ko ay tiningnan niya ito.

"Alam mo Gege ang ganda talaga nitong kwintas mo na 'to, mahal 'to no?"

I shrugged at ngumiti.

"Bigay ni Pogs." sabi ko naman.

Ito yung kwintas na ibinigay niya sa akin nung nag-yacht kami. Yung may royal story kuno.

"Ay weh? Si Santos? Sabagay, walang mahal mahal sa taong nagmamahal." sabi niya habang isinusuot sa akin.  "Ayan, ang ganda. Pero mas maganda yang mga pula pula sa leeg mo. Ang wild."

Kumunot ang noo ko

"Ha?"

"Anong ha? Grabe naman yan Ge, talagang minarkahan ka ha. Anong ginawa niyo kagabi ha?" sabi ni Yenggay

Agad kong kinuha ang maliit na salamin ko na nakapatong sa lamesa at doon ko lang nakita ang tinutukoy niya.

Ang dami kong kagat sa leeg!!!

ERIK!!!

Napamura na lang ako sa isip ko, nakakahiya! Parang gusto kong lamunin ako ng lupa ngayon na mismo.

Madiin akong napapikit, bakit naman kasi nagsleeveless pa ako ngayon?! Paano na 'to?!

Nataranta naman akong tinawag si Ate Irene at nagpahanap ng ibang damit sa mga dala ko.

May taping kasi kami ni Yenggay para sa isang morning show.

"Ikaw ha, ano yan? Nakikita ko na lagi kang may ganyan. Masyado naman yata kayong wild ni Erik." pang aasar pa niya.

Nakakainis talaga, hindi ko naman napansin na meron akong---ugh ano bang tawag dito? Basta!

Sasakalin ko talaga si Erik mamaya, bakit kasi ang hilig niya akong gawan ng ganito?

(A/N: alam niyo naman siguro kung anong tawag dun sasabihin ko pa ba? Lol h'wag na, bawal sa bata.)

Tumingin naman ako sa paligid bago sumagot.

"Wala, kagat lang 'to ng lamok."

Sabi ko at pumasok sandali sa CR para magpalit ng damit.

Kahit nga kay Ate Irene ay hiyang hiya ako. Syempre, halatang halata na na may ginagawa kaming kalokohan lagi kapag nasa bahay si Pogs.

Akala ko ay satisfied na si Yenggay sa sagot ko pero kaagad siyang lumapit nang lumabas na ako ng CR.

"Sus ang laki naman ng lamok na yan Gege. Ang pula oh." sabi niya sabay hawak pa talaga sa mga nasa leeg ko.

Mahina kong pinalo ang kamay niya kaya natawa siya.

Bakit ba gustong gusto rin niya na inaasar ako?!

"H'wag mo na hawakan." sabi ko at kumuha ng foundation at concealer para takpan ang bakas ng kalandian ni Erik Santos kagabi na nasa leeg ko.

Nakakaloka, buti na lang ay kami lang ang nandito sa loob ng dressing room.

Pinaningkitan niya lang ako ng mata

"Sure ka ba na lamok talaga?"

"Oo nga, ang kulit? Mas magaling ka pa sa akin."

Secrets Beyond the StarsWhere stories live. Discover now