CHAPTER 35🌿✨ -Sorry Na, Pwede Ba?

1.2K 47 1
                                    


10:00 AM.

MALAPIT nang magtanghali, wala pa ring nangyayaring maganda sa araw na 'to.

Ano na? Buong araw na lang ba akong ganito?!

For the nth sa oras na ito ay muli kong tiningnan ang telepono ko.

"Aba, kupal talaga! Ano hanggang ganito lang tayo ha?!"

Initsa ko muli ito sa sofa nang makita kong walang ibang laman ito kundi ang paulit-ulit na text ni Erik na nagsasabing 'Sorry na'.

Sorry? Anong silbi ng sorry niya? Makakakain ko ba yang sorry niya na yan?

Naiinis ako.

Naiinis ako at hindi ko rin alam kung bakit. Para bang naiinis ako sa tuwing maaalala ko ang ginawang pagyakap nila sa isa't isa ni Keia kagabi.

Mukha pa lang ng babaeng yun ay umiinit na kaagad ang ulo ko, ni hindi talaga siya tanggap ng sikmura ko.

Hanggang ngayon ay kumukulo pa rin ang dugo ko kahit na ilang beses nang ipinaliwanag sa akin ni Yenggay na wala lang yun.

Sabi nga ni Yenggay 'Wala lang yun Ge, ikaw naman ang mahal.'

Pero kasi naman mga sis, babae ako, alam ko ang lumalandi sa hindi. Ayoko na nga siyang isipin kasi baka siya ang mapaglihian ko, malas lang talaga na maging kamukha pa niya ang anak ko. Pero alam na alam ko kapag inaagawan na ako. Hindi ba nagegets ni Erik yun?

Pero sa kabilang banda ay naiinis din ako kasi hanggang ngayon ni hindi pa siya nagpapakita!

Talagang hindi siya sumunod dito sa bahay kagabi, natakot yata na iuntog ko siya sa gate.

PERO KAHIT NA! ANG GUSTO KO LANG NAMAN AY MAKITA SIYA!

Ano bang pinagkakaabalahan niya sa araw na 'to at parang hindi niya man lang ako naaalalang puntahan sa kabila ng ginawa niya kagabi?

*ding dong*

Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang tunog ng doorbell.

I knew it. Sabi ko na nga ba hindi rin talaga siya nakatiis...

"Ate Irene pakibuksan naman po ang pintuan!" sigaw ko naman kahit na kung tutuusin ay ako na dapat ang magbukas bilang ako ang nandito sa sala.

Sumunod naman agad si Ate Irene kaya inayos ko ang upo ko na para bang panelist na handa nang manggisa sa defense ng thesis.

Oo, hindi lang gisado. Gagawin ko rin siyang nilaga kapag hindi umayos nang sagot sa akin ngayon.

Nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ay agad akong dumampot ng magazine sa lamesa at nagkunwaring nagbabasa bago ako tumikhim para sana simulan ang banat ko pero...

"Anong arte yan?"

Hindi ko pa man naalis ang magazine sa harap ko ay kumunot na ang noo ko sa boses na narinig ko.

Hindi si Erik yun.

I hissed. Kung hindi si Erik ang dumating... walang kwenta.

I was about to look kung sino ang dumating nang bigla na lang may humablot pataas ng magazine na hawak ko.

"Ano ba---Marionn! Nakakainis ka!"

Tila naman tawang tawa si Marionn sa ginawa niya dahil napaupo pa ito sa sofa at nabitawan ang mga bitbit niya.

I looked at those things at nakita kong may dala siyang bouquet ng bulaklak at prutas.

Ospital?

Secrets Beyond the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon