CHAPTER 21🌿✨ -The New York Magic

1.5K 45 1
                                    

"Mahal ko, bati na tayo, please."

AH ANO BA, HINDI.

ULIT, ULIT.

"Ano Erik, mag iinarte ka? Bilisan mo na gumala na tayo, tara!"

Parang mali pa rin. Teka.

"Love sorry, tara na alis na tayo please-----aaaahh ano ba naman kasi yan eh!"

For the nth time ay muli akong pabagsak na humiga sa kama.

Ugh naiinis ako sa sarili ko, ano bang dapat na gawin ko.

Dinampot ko naman ang cellphone ko para makita kung anong oras na.

10AM na.

Isang oras na mahigit magmula nang umalis si Erik ng kwarto kaya isang oras na rin akong parang tanga dito na kinakausap ang sarili ko.

Bukas ng umaga flight na namin pabalik ng Maynila.

Hanggang ngayon hindi pa rin kami nakakapaglibot at nakakapaggala, hanggang ngayon hindi pa rin kami nagkakaayos.

Kasi naman Erik eh, bakit ang arte mo?

Naalala ko naman ang sinabi ni Miss Cynthia kanina, naisip ko na rin naman talaga na baka nga ito na yung tamang panahon para ayusin yung problema naming dalawa.

Kung uuwi rin kami nang magkaaway pa rin kami, parang lungkot lang din ang magiging alaala nitong out-of-the-country show namin ngayon.

Ayaw ko rin namang umuwi nang may sama kami ng loob sa isa't isa. Sa totoo lang ay miss na miss ko na siya.

"Miss na miss na kita mahal ko." sabi ko habang nakatitig sa cellphone ko na siya ang larawan sa lockscreen ko.

Angge naman kasi, ano bang kagagahan yun? Sinusuyo ka na nga ng tao eh!

I sighed, mukhang kailangan ngayon hindi na ako mag inarte.

Kung aarte pa ako, uuwi kaming nganga parehong dalawa.

Muli akong bumangon sa kama at inayos ang sarili ko. Nakailang buntong hininga pa ako bago tiningnan ang sarili ko sa salamin.

"Go Angge, maganda ka, gamitin mo lang yung ganda mo bibigay din yan agad siya. Kaya mo yan girl." sabi ko sa sarili ko at lumabas na ng kwarto.

MAREJECT NA KUNG MAREREJECT, BASTA ITATRY KO.
-----------------------
*inhale, exhale*

Mga isang minuto na yata akong nakatitig sa pinto ng hotel room ni Erik.

Nilulukob na ako ng kaba.

Tinitigan ko na lang ulit ang pintuan na nakasarado. Konti na lang yata ay maiinlove na 'to sa akin sa kakatitig ko.

Malakas naman akong napabuntong hininga.

Kailangan ko ba talagang gawin 'to? Like, ako talaga ang mag aaya ngayon sa kanya?

"Nakakainis naman oh!" mahinang bulong ko muli sa sarili ko.

Inaamin ko naman, kasalanan ko rin talaga. Masyadong masakit ang sinabi ko kanina gayong gumagawa na nga siya ng paraan para suyuin ako.

Nakakainis lang kasi siya, bakit kailangan niyang magbiro pa nang ganoon e alam niyang mainit pa ang ulo ko sa tuwing naaalala ko si Keia?

Ayan, naalala ko nanaman.

And speaking of the bruha, balita ko nga ay lumabas daw siya kasama ang isang hindi kilalang lalaki noong isang araw sa bar. Nung gabing mag away kami ni Erik sa office dahil sa kanya ay may nakakita sa kanya sa isang bar na mayroon kasama.

Secrets Beyond the StarsWhere stories live. Discover now