CHAPTER 6🌿✨ -Bayaw

1.3K 46 0
                                    

Angge's POV:

"ATE IRENE OKAY NA PO ITONG MENUDO, PAKILIPAT NA PO SA LAGAYAN."

"Okay po Ma'am. Isusunod ko po pagkatapos kong ilabas itong pansit."

Tumango naman ako at nagpatuloy na sa paghahalo ng niluluto ko.

Ngayong araw ay abala kami dito sa bahay. Birthday kasi ni Rudy, ang kapatid ko kaya naman napagdesisyunan namin na dito na lang magdiwang ng birthday niya sa bahay tutal ay kami-kami lang din naman.

At dahil hilig ko ang pagluluto syempre, ako ang master chef ngayong araw.

"Oh teka yung mga iihawin ba nasimulan na? Nasaan na ba kasi si Rudy kanina ko pa inuto----"

*BEEEEP*

Natigilan ako sa pagsasalita nang makarinig ako ng busina ng sasakyan mula sa labas.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa narinig ko.

Busina pa lang ng kotse ay kilala ko na. Kumunot ang noo ko, bakit naman siya nandito?

Hindi kaya?

Hay bwiset naman oh.

Ilang minuto pa ay nakita kong pumasok na siya sa bahay at tumuloy sa kusina kung nasaan kami.

"Ate! Nandito na ang special guest ko!" sabi ni Rudy na kasabay niyang pumasok sa kusina.

Special guest?!

Hindi ako umimik, anong special diyan e palagi naman yang nandito?

"Magandang hapon po Mama Bob." bati nito at humalik pa sa pisngi ng nanay ko.

Tiningnan ko naman siya. May dala siyang cake, donuts at bulaklak. Sa pagkakaalala ko, birthday ng kapatid ko, bakit para siyang umaakyat ng ligaw?

"Pabida." mahinang bulong ko.

Nakita kong napatingin siya sa akin kaya inirapan ko lang siya. Totoo naman eh.

"Oh mabuti't nakarating ka. Wala kang trabaho ngayon?" sabi naman ni Mama Bob kay Erik.

Oo si Erik ang dumating.

"Kakatapos lang ho Ma."

"Ah ganon ba? Sabi kasi ni Angie e hindi ka daw makakapunta. Kaya akala ko busy ka."

"Wala po akong sinabi na hindi ako pupunta, Ma." sagot  nito at tumingin sa akin kaya nagkatinginan ulit kami.

Oh bakit? May mali ba akong ginawa?

Bahala ka diyan.

"Oh ikaw hindi ka ki-kiss?" pagtawag naman ni Mama Bob sa akin.

"LQ sila. Ate oh, may bulaklak. Aarte ka pa ba?" pang aasar ni Rudy at tumawa pa.

Lalo akong nairita.

"Hindi naman para sa kanya 'to." sagot ni Erik kaya muli akong napatingin.

Iniabot niya kay Mama Bob yung bouquet. "Mama Bob, para sayo po."

"KISS KISS NIYA MUKHA NIYA SA PADER!" sabi ko at padabog na isinara ang pintuan ng refrigirator.

Dahil sa ginawa ko ay malakas na tumawa si Rudy at Mama Bob. Nakakainis, pakiramdam ko wala akong kakampi.

Wala naman talaga. Ugh.

Narinig ko na mahinang tumawa lang si Erik. Aba hindi affected?

Humanda ka talaga mamaya.

"Sige Mama Bob, tol, doon muna ako kina Kuya Boy." paalam naman nito at muling tumingin sa akin.

Hindi ko na lang siya pinansin. Nang makaalis si Erik ay kaagad kong dinampot ang sandok na nasa gilid ko at ibinato kay Rudy.

Secrets Beyond the StarsWhere stories live. Discover now