CHAPTER 7🌿✨ -Boyz II Men

1.2K 47 0
                                    

Angge's POV:

Ladies and gentlemen, welcome to JFK International Airport. Local time is 8 o' clock in the morning and the temperature is 15.5°C.

"YAHOOOOO! Hello New York!" malakas na sigaw ni Erik nang makalabas kami ng waiting area sa airport.

Tiningnan ko naman siya nang masama bago napailing.

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin talaga kung paano siya nakasabit dito. Haaay ewan ko ba, maling mali talaga. Maling mali talaga na pumayag akong sumama siya.

Napansin niya naman siguro na nakatingin ako sa kanya, bigla siyang umakbay sa akin bago masayang nagsalita.

"Oh bakit Ge? Hindi ka man lang ba naaexcite? Tara na!" sabi niya sabay hila sa maleta naming dalawa.

Napabuntong hininga na lang ako sa sobrang pagka hopeless.

Haaay nako talaga Erik!

Nasa New York kami ngayon nila KZ, Yenggay at Ate Kyla para sa isa sa mga out of the country concert namin kasama ang isa sa mga pinakasikat na grupo ng male singers sa buong mundo-- ang BOYZ II MEN.

Nung nakaraan lang ay nagkaroon ang grupo namin ng isang successful concert sa Pilipinas kasama ang nasabing grupo.

At dahil doon, hindi inaasahang nagkaroon kami ng tiyansa na makapagperform kasama sila sa abroad.

At ito na nga yun, ito ang isa sa mga pinakamalaking concert na gagawin namin bilang isang grupo kaya naman sobrang saya at excited namin. E kaso nga lang, may excess baggage ako hanggang dito sa New York.

"Uy Ate Angeline!" bigla akong inakbayan ni KZ "Anong problema? Bakit para namang luging lugi ka na agad diyan? Grabe ang simangot oy."

Napabuntong hininga ako.

"Gege ko! Tara na!" bigla namang tawag sa akin ni Erik na nasa hindi naman kalayuan. Ngiting ngiti pa rin siya sa akin.

"Lord! Bakit naman ganito?!" mahinang bulong ko sa sarili ko habang nakatingin kay Erik na naglalakad na papalayo kasama ang asawa ni Yenggay.

"Ah mukhang nagets ko na *laughs* nakakaloka ah, bakit ba naman kasi nakabuntot sayo yang isang yan hanggang dito sa ibang bansa?"

Napaface palm na lang ako sa tuwing maaalala ko kung paano nangyari na kasama siya...

----FLASHBACK----

"Oo tapos grabe bro! Alam mo yun! Sobrang overwhelmed ako! Kasi isipin mo, yung boses nila iba talaga yung feeling kapag napapakinggan mo sa personal. As in, parang cloud nine talaga!"

Napailing na lang ako bago muling umupo sa upuan ko para kainin ang cup noodles na nilagyan ko ng mainit na tubig.

Mula noong lumabas ako hanggang sa makabalik ako ng dressing room ay iyon at iyon pa rin ang pinagkukwentuhan ni Yenggay at ni Pogs.

Hanggang ngayon nagkukwento pa rin si Yenggay sa kanya ng mga nangyari noong concert namin kasama ang Boyz II Men.

"Ang saya-saya ko talaga! Diba Ge?! Grabe! Hindi pa nga rin ako makamove on hanggang ngayon e." sabi pa ni Yenggay sa akin.

Nang makita naman ako ni Erik ay agad na siyang lumapit sa akin hindi para maglambing kundi para makihati sa cup noodles ko.

Minsan napapaisip ako kung nagugutuman ba si Erik sa bahay nila. Pag magkasama kasi kaming dalawa ang takaw niya.

Secrets Beyond the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon