CHAPTER 5🌿✨ -A Day In A Life

1.5K 47 4
                                    

ANGGE'S POV:

"Angie! Gumising ka na! Tanghali na!"

For the nth time ay muli akong nagtakip ng tenga para hindi mo marinig ang pagsigaw ni Mama Bob na kanina pa kinakalabog ang pintuan ko.

E kasi namaaaaan. Bakit ba ang gulo niya?!

"Ma! Mamaya na nga kasi! Ang aga aga pa oh! Wala naman akong trabaho ngayon eh."

Rest day ko ngayon, pahinga, walang taping, wala show, walang event. Pahinga.

Pero imbis na tumigil ay lalo niyang kinalabog ang pintuan ko at paulit-ulit pa ring nagbunganga. "Aba tingnan mo talaga tong batang 'to! Anong maaga pa?! Alas siyete na ng umaga! Hala bilisan mo na at bumangon ka na diyan!"

Alas siyete ng umaga tapos tanghali na? Yung totoo?!

Iba din talaga 'to si Mama Bob.

Nagtalukbong na lang ulit ako ng kumot para pilitin na muling matulog.

"Ma naman! Minsan na nga lang makapagpahinga yung tao e, pagpahingahin mo na----"

"Bumangon ka na diyan! Kanina pa naghihintay si Erik sa iyo sa baba!"

Sa huling sinabi niya ay napabalikwas ako mula sa pagkakahiga ko.

"Si Erik?!"

Ano namang ginagawa niya dito?! Ang aga aga pa ah.

Dahil sa sinabi ni Mama Bob ay agad akong lumabas ng kwarto para siguraduhin na totoo nga yung sinasabi ni Mama Bob.

"Angie, isa--- harujusko nagulat naman ako sa iyong bata ka!" sabi pa ni Mama Bob nang buksan ko ang pintuan.

Dali dali akong bumaba papunta sa sala at doon ko nga nakita ang isang napakagwapong nilalang na feel at home na prente pang nanonood ng TV at nakasandal sa sofa.

Nang makita niya ako ay matamis siyang ngumiti sa akin at tumayo pa para sana humalik sa akin pero agad ko siyang sinenyasan na huwag siyang aalis sa kinauupuan niya at dahil syempre ako ang boss, bumalik siya sa pagkakaupo niya.

Hindi pa ako nagttoothbrush, pwede bang kumalma siya?

"Anong meron bakit nandito ka ang aga-aga? Wala bang almusal sa inyo?" diretsong sabi ko naman pero parang hindi niya pinansin ang sinabi ko.

"Good morning Love! Ang ganda mo, mas maganda ka pa sa umaga." masayang sabi niya habang nakatitig sa akin.

Wala na akong pakialam kung anong itsura ko dahil sanay naman na siya na makita ako sa umaga.

Tingnan mo 'to, ni hindi man lang sinagot ang tanong ko. "Alam kong maganda ako. Bakit ka nga sabi nandito?"

Ngumiti naman siya sa akin bago sumandal sa upuan. "Hmmmn wala lang, dito ako mag-aalmusal. Walang almusal sa amin, naubusan kami ng bahaw na kanin."

Napakapilosopo talaga.

"Anong tingin mo sa bahay ko? Restaurant?"

Ngumuso naman siya. "Hindi ka ba masayang makita ako? Ni hindi ka man lang naggoodmorning."

Inikutan ko naman siya ng mata. Good morning pa, good pa ba ang morning ko?

Oo naman, hindi lang good, very good. Hahahaha. Landi.

"E bakit hindi ka man lang nagsabi? Hindi ka man lang nagtext?"

"Aaaay. Nagtext ako Miss, hindi mo ba nabasa? Ah malamang hindi nga kasi kakagising mo lang, kaya badtrip ka ngayon kasi ginising ka."

Napakagaling talaga, lahat may sagot siya. Paano ko kaya siya napagtiisan nang matagal?

Oo na, kasi mahal ko. Happy?

Secrets Beyond the StarsWhere stories live. Discover now