CHAPTER 32🌿✨ -Lost

1.2K 51 12
                                    

//THIRD PERSON//

Kakatapos lang ng meeting ni Erik para sa isang show niya sa isang charity event para bukas. Natural, kailangang magtrabaho para sa kinabukasan.

Mag isa siyang naglalakad pabalik sa dressing room.

Kinuha niya ang telepono niya sa bulsa para makita kung may mensahe ba mula kay Nanay Bianca.

Nakakapagtaka dahil wala.

Palagi siyang binabalitaan nito tungkol kay Angge. Hindi niya nga rin maintindihan kung bakit tila ba noong mga nakaraang buwan ay naging mailap si Nanay Bianca sa kanya.

Mabuti na lang na ngayon ay tila ba naging maayos na ulit ang pakikitungo nito sa kanya.

Ang buong nasa isip lang ni Erik ay marahil nasasaktan din ito sa mga nangyari sa kanila ni Angge at sa mga nababalitaan nito tungkol kay Keia.

Yun lang, wala naman siyang ibang maisip na dahilan.

Pero bilang napag uusapan na rin ang hindi niya maisip, hanggang ngayon rin ay binabagabag siya ng mga alaala niya.

Bakit pakiramdam niya ay may hindi pa rin siya nalalaman na dapat ay alam niya?

----FLASHBACK----

"OH mabuti naman nagising ka na."

Ito kaagad ang naging bungad ni Ate Dhang kay Erik pagkababang pagkababa niya mula sa kwarto at tumungo sa kusina.

Ala una na ng hapon. Pambihira naman talaga. Sobrang sakit ng ulo niya pero kahit na ganoon ay pinilit niya pa ring bumangon dahil magaan ang pakiramdam niya sa mga nangyari kagabi.

Ang totoo niyan ay hindi siya sigurado pero bumangon pa rin siya para siguraduhin ang mga naaalala.

"Ano, nahimasmasan ka na? Alam mo ikaw, sa susunod talaga hahayaan ka na lang naming mamatay. Napakatigas ng ulo mo."

Patuloy pa rin ang Ate niya sa pagsasalita. Pero wala doon ang atensyon niya.

Dahan dahan niyang nilibot ang paningin niya sa kabuuan ng kusina. Ganoon rin ang ginawa niya kanina sa kanyang silid at maging sa sala.

Pero wala.

"Hoy nakikinig ka ba? Ten, ayusin mo ang buhay mo, hindi pwede na palagi kang ganyan. Tumatanda ka ng pauro---"

Wala siya sa sariling napatanong.

"Nasaan si Angge?"

Sandaling natigilan si Ate Dhang sa pagsasalita dahil sa sinabi ng kapatid.

Maya maya ay kumunot ang noo nito.

"Anong pinagsasabi mo dyan? Anong Angge?"

"Nasaan si Angeline, Ate?"

"Aba ewan ko, baka nasa bahay nila. O baka may trabaho? Bakit mo ba hinahanap sa akin ha?"

Siya naman ang kumunot ang noo dahil sa mga naging sagot ni Ate Dhang, seryoso ba ito?

"Sino ang nag uwi sa akin kagabi dito?"

Tinitigan naman siya ni Ate Dhang na animo ay hindi makapaniwala.

"Kami ni Ron, malamang! Hindi mo ba natatandaan? Ah sabagay paano mo nga naman maaalala e halos gumapang ka na kagabi doon?"

Napabuntong hininga naman siya.

"Akala ko naman..."

"Akala mo??? Bakit, sino pa bang inaakala mo na nagdala sayo dito ha?" nagtatakang tanong ng kapatid.

Secrets Beyond the StarsWhere stories live. Discover now