CHAPTER 38🌿✨ -No More Secrets

1.7K 46 11
                                    

ALA UNA.

Ala una na ng madaling araw pero heto, gising pa rin ako.

Napatingin naman ako sa bahagyang nakabukas na bintana ng kwarto.

Anong oras kaya siya darating? Papikit na ang mga mata ko oh!

Maya maya pa...

*beeeeep*

Halos nawala naman ang antok ko nang marinig ko ang malakas na busina ng kotse mula sa labas ng bahay.

Kaagad akong bumaba para salubungin siya.

Haaaay sa wakas dumating na.

Pagbukas ko pa lang ng pintuan ay kaagad ko na siyang nakita.

Ang pinakapoging nilalang sa buhay ko at sa balat ng lupa. Naks.

Pagkabungad niya pa lamang sa akin ay kaagad niya na akong niyakap. Ang sarap naman ng ganito.

"Good evening ay este good morning pala Love." sabi niya at hinalikan ako sa labi. "I'm home, I'm really home."

Eshesh, talaga naman.

Ang sarap sa pakiramdam na araw-araw, ako ang sumasalubong sa kanya sa tuwing umuuwi siya.

Ramdam na ramdam ko na ako ang pamilya niya.

Kauuwi lang ni Erik ngayon mula sa isa sa mga out-of-town events niya. Nasanay na kami ni Erik sa ganitong setup sa halos araw araw. Yung tipong salitan kami sa pag aantay na makauwi ang isa't isa. Sa loob ng ilang buwan, tila naging normal na ito sa amin.

Isang normal na bagay na talagang naeenjoy ko.

"Hmmmn kamusta ang event, Love?" sabi ko naman nang makapasok kami ng kwarto.

Nakaakbay siya sa akin.

"Ayun, pagod. Ang daming tao, hindi ko inasahan na ganoon pala karami yung mga pupunta para sa benefit show. Halos mapuno yung plaza hanggang kalsada. Pero sobrang saya, Love." sabi niya naman.

Napangiti rin ako.

Halata naman sa mukha niya na satisfied siya sa ginawa niya ngayong gabi. Kumanta kasi siya para sa isang fund raising event sa Laguna. I am really proud of this man.

"Oh ha? Sabi ko naman sayo eh, kaya mong magperform sa ganoon. Ikaw pa ba, idol kaya kita." sabi ko naman at tinanggal na ang suot niyang tie.

Nakatitig lang siya sa akin habang ginagawa ko yun.

Gandang ganda nanaman yan sa akin.

Nang tiningnan ko siya ay ngumiti siya sa akin at inilagay sa gilid ng tenga ko ang ilang hibla ng mga buhok ko.

I really love it everytime he does this gesture dahil wala lang, ang lakas makaganda.

"Hinahanap ka nga nila eh. Nasaan daw yung maganda kong singing partner." sabi niya

"Ay true ba? Wow naman, feeling ko totoong maganda ako."

"Maganda ka naman talaga, miss na nila tayong marinig nang magkasama. Sayang nga, dapat iisang event na lang tayo kanina, para may kalandian ako."

I laughed

"Talaga lang ah? Dapat sinabi mo nasa ibang lalaki na." sagot ko naman na ikinasimangot niya kaya natawa ako

Nang matapos kong tanggalin ang polo niya ay tumalikod na ako papunta sa lagayan ng mga labahang damit para ilagay doon ang mga sinuot niya.

Ako ang gumagawa nang lahat para sa kanya. Gustong gusto ko talaga na inaasikaso ko siya sa tuwing paalis at pagkauwi niya.

Secrets Beyond the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon