CHAPTER 39🌿✨ -And With This Vow

1.4K 45 6
                                    

"TODAY, we are gathered here to celebrate the most important day on the lives of our soon to be husband and wife."

Hindi mapigilang tumulo ng mga luha ko nang marinig ko ang linyang iyon.

Ilang taon di naming hinintay ang pagkakataon na 'to at sa wakas ay nangyari na.

Ilang taon ding sinubok ng tadhana.

Minsan nang pinaglayo pero bumalik pa rin sa isa't isa.

Kaya nga naman, hindi ko akalain na sa dinami rami ng problemang pinagdaanan nila, ay darating rin pala kami sa puntong ito.

Dahan dahan kong pinunasan ang mga luhang unti-unting tumutulo mula sa mga mata ko.

Nakakahiya, hindi pa nga nag uumpisa ay umiiyak na ako.

Masisira ang make up ko, sayang naman ang halos apat na oras ng pag aayos sa akin nila Nanay Bianca diba?

Inayos ko naman ang color blue na gown na suot ko at ang bouquet na hawak ko.

Tumingin na lang muli ako sa pari at ngumiti.

Ang sarap pakinggan ng bawat salitang binabanggit niya. Tunay na talagang ang kasal ay para sa mga taong nagmamahalan ng totoo at wagas.

"Ang saya nila 'no Ge? Buti na lang talaga nagkatuluyan sila." napalingon naman ako kay Ate Kyla na nasa tabi ko dahil sa ibinulong niya sa akin.

Tumango na lang ako habang diretso lang na nakatingin.

Naiiyak kasi talaga ako.

"Wag kang mag alala Ge, sa susunod ikaw naman. Magiging masaya ka rin kagaya niya." sabi naman ni Yenggay at tinapik ang likod ko.

Hindi ko na lang sila pinansin. Tama naman sila.

Akala ko talaga noon, ang sunod na pupuntahan kong kasal ay kasal ko na pero nakakatawa lang dahil sa muling pagkakataon, bridesmaid pa rin ako.

Pero alam kong balang araw, ako naman.

Then, I looked at the man I truly love. Doon, nagtama ang mga mata naming dalawa.

His eyes can tell me more than what words could ever say.

I smiled at him and he smiled back.

Ang sarap makitang nakangiti siya habang nakasuot ng black tuxedo na talaga namang bagay na bagay sa kanya.

Kitang kita ko rin ang kasiyahan sa mga mata niya habang nakikinig sa mga pari.

Malamang, ganitong tagpo talaga yung talagang pangarap niya.

Kahit na ang daming tao, siya pa rin ang pinakagwapo sa paningin ko.

Kaso nga lang, wala siya ngayon dito sa tabi ko.

Marami akong gustong sabihin pero mas pinili ko na lang na huwag itong bitawan dahil alam kong hindi ito ang tamang pagkakataon.

Hindi kung kailan nandoon siya.

Hindi kung kailan malayo ako sa kanya.

"I love you." I saw Erik mouthed at me bago siya muling humarap sa altar.

Gustong gusto kong sumagot rin sa mga sinabi niya pero hindi maaari.

Gusto kong sabihin na mahal ko rin siya.

Pero hindi pwede.







Siguro mamaya na lang.







Ayokong maki agaw ng eksena dahil sa kasal na 'to, hindi naman ako ang bride.










Dahil hindi naman namin 'to kasal ni Erik.






Secrets Beyond the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon