CHAPTER 12🌿✨ -Secret Motives

1.3K 36 1
                                    

Angge's POV:

"WHOO GO YENGGAY! SIGE PA YENGGAY, HUWAG KANG PAPAAGAW WHOOOOO!!!" malakas na sigaw ko na may kasama pang pagtalon talon habang nagccheer.

At ayun nga, nanalo si Yenggay! Nanalo ang team namin!

"WAAAAH ANGGE! PANALO TAYO!!!" patakbong lapit sa akin ni Yenggay matapos ng laro. Niyakap niya ako at parang mga bata kaming nagpaikot ikot habang nakayapak sa buhanginan.

Sino ba namang hindi magiging proud e agawang buko lang naman yung nilaro ni Yenggay. Aba mahirap yun ah.

"Okay next game guys, volleyball! Sinong mga participants per team?"

"Ako! Kasali ako diyan!" sigaw ko pa at lumapit na sa may tapat ng net kasama ang mga ka-team kong maglalaro din.

Ngayon ay ang team building ng management namin na dito ginanap sa Balesin.

"Whoooo! Go bestfriend kong sexy at maganda! Galingan mo Anggege ko!" sigaw naman ni Yenggay.

Ngumiti naman ako at nagthumbs up pa sa kanya at nagthumbs up din siya pabalik na may kasama pang kindat.

Siyempre kami na nga lang ang magsusuportahan, bibiguin pa ba namin ang isa't isa?

And speaking of suportahan, nasaan naman kaya ang isang bida bida---sa puso ko? Hmmmn.

I tried to search for him, kanina pa siya nawawala, ni hindi man lang nagsabi sa akin. Hindi man lang ba niya ako iggoodluck gayong maglalaro na ako?!

Kailangan ko ng good luck kiss galing sa aking lucky charm.

Char lang.

Pero ano na, nasaan na siya?

"OH TEAM B SINONG MGA PAMBATO NIYO?!" sigaw naman ni Ate Cynthia bilang pagtawag sa kabilang team.

Pero hindi ko naman yun pinansin nang nakita kong parating na nga si Erik mula sa di kalayuan.

I was about to shout but to my surprise, meron siyang kasama.

"Me! I'll join Ate Cynthia!" sigaw ng babaeng kasama ni Erik at mabilis na nahawi ang dadaanan niya.

Yun bang sa mga teleserye ganorn.

"LUH DZAII, ANONG GINAGAWA NIYAN DITO?!" sabi ni Kaze na nasa likod ko na halatang nagtataka.

Nilingon ko siya kasi hindi rin ako makapaniwala.

Kahit naman kasi ako, bakit nandito siya?!

Bakit nandito rin si Keia?

------------------------

"OMG GE! ANG SEXY MONG BAKLA KA NG TAON!"

I laughed.

Hindi ko alam kung mahihiya ba ako o matutuwa sa tinuran ni Kaze pagkalabas ko ng kwarto.

Pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ay naabutan ko na silang tatlo na naghihintay doon sa labas ng kwarto namin ni Erik.

I tried to look down to see my entire body.

Talaga ba?

"Grabe Angge! Ang kinis mo naman. Sana all." nagkatinginan naman kaming tatlo nila kaze at Yenggay sa sinabi ni Ate Kyla.

WOAH, SANA ALL DAW?!

"Ang taray Ate Kyla ha, millenial." pabirong sagot ko naman.

Parang nahiya naman siya dahil sa pagtawa namin.

"Grabe kayo sakin ah pero kasi naman iba ka, kung meron lang Ms. Cornerstone na contest, aba ikaw ang pambato ng team natin for sure." sabi pa ni Ate Kyla.

Secrets Beyond the StarsWhere stories live. Discover now