CHAPTER 24🌿✨ -Mothers' Love

994 41 2
                                    

I know to myself that what Ate Kyla had told me was right.

Right now, though I was still so afraid of what will happen next, alam ko sa sarili ko na dapat kong gawin ang tama hindi lang sa trabaho ko kundi pati na rin sa amin ng taong minamahal ko.

Mahal ko ang trabaho ko, pero ano nga ba talaga ang unang rason kung bakit ko ginagawa ang lahat ng ito?

All these time, inisip ko na walang ibang makakapagpasaya sa akin kundi ang magkaroon ng marangyang buhay.

All these time, natakot akong mawala ang lahat sa akin to the point na muntik nang mawala sa akin yung taong mahal ko at yung totoong kasiyahan na pangarap ko noong bata pa lang ako.

Matapos ang napakahabang araw ay umuwi na rin ako ng bahay.

Bahagya muna akong nagpalipas ng ilang oras para pakalmahin ang sarili ko bago ako ihinatid ni Ate Kyla pauwi dahil hindi ko na pinabalik si Kuya Boy. Ayaw ko naman na magtaka at mag alala pa siya.

"Basta Ge, yung bilin ko sayo ha? Huwag kang magpakastress masyado. Tapos hangga't maaari, bukas na bukas rin ay magpacheck up ka na."

Tumango naman ako. Wala pa rin ako sa sarili ko hanggang ngayon.

"Salamat Ate ha. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung anong gagawin ko pero salamat."

Bahagya naman siyang ngumiti at inabot ang kamay ko.

"Wala yun ano ka ba, syempre parang kapatid na kita eh. Tsaka ngayon, malapit nang maging magkumare diba? Naku matutuwa sila Yenggay at Kaze pag nalaman nila."

Ako naman ang napangiti sa sinabi ni Ate Kyla.

Baka nga sabunutan pa ako ni Yenggay pag nalaman niya. Ako itong walang boyfriend pero ako pa itong nauna.

(A/N: Hindi talaga magjowa ang AngErik sa story na 'to, uhm ano sila, MU lang haha friends with benefits ganon dahil kung nabasa niyo yung Chapter 4 yata yun, may kontratang pinirmahan si Angge na bawal siyang magkaroon ng boyfriend hanggat wala pa siyang 30 hahaha wag kayong maguluhan. At dahil may junakis na ngayon, talagang malaki ang problema ni vakla. Pero gawa gawa ko lang din to syempre haha)

"Pero Ate pwedeng humingi ng pabor? Uhm pwede po bang sa atin na lang muna 'to?" I sighed, "Ang totoo niyan Ate Ky, natatakot talaga ako dahil sa kontrata ko. Hindi pwedeng malaman nang mga tao 'to."

May takot talaga sa puso ko. Posible akong magkaproblema kung sakaling malalaman ng lahat ang tungkol sa kondisyon ko.

Ayokong madamay ang bata at mas lalong ayaw kong maapektuhan maging si Erik. Lalo na ngayon na hindi ako sigurado kung ano na ba talaga ang nararamdaman niya para sa akin.

"Oo naman Ge, mapagkakatiwalaan mo ako pangako yan. Pero sana, anuman ang problema niyo ni Erik maayos niyo na. Magkakaanak na kayo, hahayaan mo ba na lumaki siya na hindi kilala ang totoong tatay niya?" sabi naman ni Ate Kyla.

Sandali akong natahimik dahil sa sinabi nito.

Parang hindi ko yata kaya.

(pag sa buhay ko'y wala ka? charot LSS ako sa bagong cover ni Angge eh)

"Hindi Ate Ky, kung kailangan kong gawin ang lahat para sa kanya gagawin ko."

Ayokong tumulad sa iba. Gusto kong magkaroon ng pamilya pero hindi ko naman inaasahan na sa ganito kabiglaang pangyayari.

Oo na, hindi rin kasi kami nag iingat. Wala rin naman kasing pakialam si Erik.

Sa tuwing sinasabi ko sa kanya noon na natatakot ako na baka may mabuo ay palagi niya lang sinasabi sa akin na mas gusto niya daw yun.

Secrets Beyond the StarsWhere stories live. Discover now