HI KEMERUTS! (PART THREE)🌿✨

613 34 0
                                    

Ito ay author's note lamang. Pwede mo i-skip 'to kung ayaw niyo ng hanash ko kasi trip ko lang 'to bakit ba hahaha.

Hi everybody!

Ayun na nga po ano hahaha yes mga hopia, patapos na ulit tayo yehey!✊🏻❤ Shems yung promise ko noon sa inyo na two weeks lang inabot na ng four months hahaha sorry naman. Anyway, I just want to like to thank y'all sa lahat lahat. Dito na lang ako magdadrama tutal hindi ko nagawa 'to noon sa Facebook when I ended this story months ago lol. Tho may pa-author ek ek din ako doon, gusto ko lang iexpress yung saloobin ko dito since this will remain forever here in Watty. Gusto ko ring balikan 'to paglipas ng maraming taon para malaman kung ano ang nangyari pagkatapos nang lahat. I was in the midst of re-checking the last two parts (yes, re-check lang kasi I'll be editing this ulit after kong matapos 'to maybe next week) noong marealize ko lang kung paaano ako sinimulan ang draft nito year 2018. This is not as grand as other fan fictions. Kung tutuusin, based pa rin ito sa real-life story ng AngErik, sadyang atat lang ako at binigyan ko na sila ng sariling ending lol, aren't we all? Wala sa plano ko noon ang magsulat. Kuntento na ako noon na nasa isip ko lang yung mga naiimagine ko na "SANA" sa kaisa isang loveteam na minahal at sinuportahan ko. Kagaya ng marami sa inyo, isa lang akong normal na fangirl. Legit na marupok at full-time hopia sa lahat. Kaya nga hindi ko akalain na aabot ako sa ganito. Marami rin sa mga Angerik fans ang nagsusulat, nag eedit ng videos, gumagawa ng tula at kung anu ano pa and I am just so proud na bahagi ako ng umuusbong na pamilya ni Angge at Erik.

Uunahan ko na kayo, I am saying these things para yes, magsermon hahaha. Lahat ng sasabihin ko ay opinyon ko lang bilang isang fan. Parang awa niyo na, kung pikon ka, skip mo na.

Habang tumatagal, parami tayo nang parami. Nakakatuwa, ang sarap sa puso na marami kang nakakasalamuha na pareho ang itinitibok ng puso. Pero minsan, hindi rin talaga maiwasan na may mga pagkakataon na hindi tayo nagkakaintindihan at nagkakaroon tayo nang iba't ibang disposisyon. To my dearest Angerik fam, sana palagi niyong tatandaan yung palagi kong sinasabi noon palang sa inyo sa tuwing nagtatapos ang bawat tagpo sa istoryang ito. IRESPETO NIYO ANG MGA IDOL NIYO. Easier said than done, I know. Sa tuwing mag oopen ako ng FB account ko, para akong kumakain ng halo halo, daming sahog, Mars. Ganyan ba talaga kapag kulang sa kilig? Hindi ko na alam kung ano ang pinaglalaban ng iba. Minsan umaabot na sa punto na tila ba hindi na nirerespeto yung mga tao na kung tawagin nila ay "Ate at Kuya". Mga kids, matuto tayong maging responsable sa bawat actions at salita na binibitawan natin. Being a fan takes a lot of responsibility lalo na kung ang sinusuportahan mo ay isang love team. FAN LANG TAYO. WALA TAYONG KONTROL SA KUNG ANUMAN ANG MGA DESISYON AT NARARAMDAMAN NILA. ANG TANGI LANG NATING MAGAGAWA AY IPAGDASAL AT SUPORTAHAN SILA SA BAWAT HAKBANG NILA SA BUHAY.

Naiintindihan ko na minsan, we get hurt. Syempre mahal natin sila. Dyan nga sa crush mo na hindi ka naman pinapansin nahuhurt ka luh kawawa. Pero hindi ibig sabihin nun na kapag nasasaktan ka ay pwede mo nang siraan ang isa sa mga iniidolo mo dahil lang sa pakiramdam mo ay pinaasa ka nila. Unang una sa lahat, walang nag utos sayo na kiligin ka. Kusa yang sinabi ng puso mo, bakit nagrereklamo ka? Fangirling is a choice at dahil pinili mo silang suportahan, magtiis ka. Sana kung ayaw mo na at hindi mo na sila mahal, umalis na lang ng tahimik para walang nadadamay. Less talk, less mistake ika nga nila.

Pangalawa, IWASANG GUMAWA NG ISSUE PARA LANG MASABI NA RELEVANT KA. Minsan, umaabot talaga tayo sa punto na namimiss natin sila, minsan rin napapraning tayo kaiisip kung ano ba ang totoo kaya pinipilit nating maghanap ng patunay para sa mga nararamdaman natin. Natural na yata sa fans ang pagiging chismosa, assuming at paniwalain. Pero sana naman, iwasan nating magpakalat ng mga bagay na magdudulot ng pagkagulo o di kaya naman ay pagkalungkot ng iba lalo na kung wala namang sapat na patunay. I don't actually believe na may tinatawag na "fake fan". It's always just fan or non-fan, no in between. You can never fake it, sadyang talagang hindi ka fan. So what I am trying to say is, kung kine-claim mo na mahal mo yung taong sinusuportahan mo, ipakita mo in such a way na hindi ka maglalabas ng mga walang kwenta para lang masabi na meron kang kwento. Mahiya naman tayo, hindi na tayo mga bata para paniwalaan na lahat ng bagay ay may kahulugan. Kontrolin ang bibig at ang nararamdaman. Iwasang ungkatin ang nakaraan ng mga idol mo especially their exes. It is okay to have an idea pero parang awa niyo na, patahimikin ang nananahimik na lalo na kung hindi naman ito artista. Again, FAN KA LANG. Si Keia at Marionn ay pawang gawa lamang ng aking imahinasyon. Oo, may pinagbasehan ako sa kung sino sila sa totoong buhay pero anuman ang isinulat ko rito ay hindi katotohanan. Bear in mind that those people na naging parte ng tunay na istroya ng AngErik ay dapat rin nating irespeto. Ayos lang naman masaktan basta bawasan natin ang pang-eechos sa kapwa.

Pangatlo, iisa lang tayo ng sinusuportahan. Mapa-Angge, Erik, o AngErik ka man, hindi mo maitatanggi na ang dalawang pangalan na yan ay kulang na kung wala ang isa. Bilang isang fan ng AngErik na pareho silang mahal, masakit sa aking makita na mismong co-fans ko pa ang kulang na lang magsaksakan chAr. Minsan nakakalungkot isipin na tayo pa mismo ang naghihilahan pababa at tayo pa mismo ang walang pagmamahal sa isa't isa. Iwasan natin ang makipag away. Kapwa fangirl man o fan ng ibang artista. It is a fan's nature to get hurt at times. Hindi ka fan kung hindi ka ni minsan nainis sa sinasabi ng mga against sa iniidolo mo. We sometimes get carried away sa mga salita at hindi natin maiwasang pumatol. Pero lagi mon tatandaan na sa ugali ng fans nagrereflect kung anong klaseng artista ang sinusuportahan mo sa ayaw mo man o sa gusto. We cannot please everybody. Bilang fan ng AngErik, malinaw sa akin na hindi lahat ng fans ni Angge at Erik ay kayang tanggapin at mahalin sila bilang partner ng isa't isa. Aware ako doon at mas lalong aware ako na may kanya kanya tayong SHIP para sa kanila. Sa ganito madalas tayong hindi magkakasundo. Piliin ang papatulan, hindi lahat deserve mong labanan. Tandaan mo na ikaw ang higit na mas nakakaalam sa mga pinagdaanan ng dalawang iniidolo mo at mas kilala mo sila kaysa sa ibang tao na pilit silang ibinababa. Huwag pairalin ang kabig ng bibig agad agad. Be mindful, choose your battles.

Pero kahit na ganoon pa man, I am so happy to become a part of this growing family. It's always been a roller coaster ride at alam kong hindi pa tapos ang laban nating lahat. I still hope ang pray, na sa huli, si Angeline at Erik pa rin ang inilaan ng Diyos para sa isa't isa. Let us never get tired of wishing. Hindi man maayos ngayon, malay natin bukas. We saw how these two made it together. They brought out the best in each other, sana ganoon rin sila sa ating lahat.

So ayun nga ayun lang naman, at dahil patapos na tayo... edi patapos na choz hahaha sorry kung wala munang short stories sa Facebook. Busy ang Kemerut haha. God bless you, everyone!

Mahal kayo ng AngErik!

Abangan ang susunod na kabanata naks!

Secrets Beyond the StarsNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ