Special Chapter

12.8K 314 4
                                    

*[Third Person's POV]*


Limang taon na ang nakakalipas. Habang tumatagal ay lumalaking maganda at gwapo ang dalawang anak nina Mia at Cloud


Limang taong gulang na ang dalawang bata at kahit na nasa kanilang murang edad pa lang ang mga ito ay makikita mo ang ugaling taglay nila.


Kambal man ay magkaibang-magkaiba ang dalawa


"Mommy! Ayaw ato laro ni Lav" sumbong ng bunsong anak ni Mia na si Sean. Binuhat nya lang ito at kinurot ang pisngi dahil sa para na itong siopao sa laki. Bulol pa ang bunso niya pero ang kanyang panganay ay matatas na magsalita


"Hayaan mo na ang ate. Baka busy" pag-aalo niya sa kanyang anak


"Wala naman ta nigagawa eh. Tingin tingin lang ta ta labas"


Pinuntahan ni Mia ang panganay na anak at nakita itong nakaupo sa bench na ginawa ni Cloud para sa kanya. Nakatingin ito sa kalangitan na parang minememorya ang bawat ulap.


"Shana" tawag neto. Tumingin naman agad ang anak niya sa kanya at tinaasan sya ng kilay


'Hmp! Mana talaga kay Larina ang batang to' sa isip-isip ni Mia


"Bakit ayaw mo makipaglaro kay Sean?" tanong niya at umupo sa tabi ng anak


"I dont want to play with his robots" sagot naman nito


"Mommy oh! Ayaw ato talaro! Pag ta naman nilalaro yung barbie nya!" nakangusong sumbong muli ni Sean. Natawa na lang si Mia sa inasal ng anak.


Saa palagay niya ay nakuha ni Sean ang ugali niya sa kanyang Tito Sky at sa kanya, may halo rin itong ugali ni Cristine samantalang ang kay Shana naman ay namana niya sa kanyang Ama, Sa kapatid nito at kay Light.


"Sumbungero" bulong ni Shana. Nakita niya ang bunso niyang naiiyak na, pumupula ang pisngi nito kapag naiiyak, parehas sila ng kakambal niya. Yun lang marahil ang pinagtulad nila.


"Wag ka ng umiyak. pagdating ni Daddy aalis tayo" sabi ni Mia kaya biglang sumaya ang mukha ng maiiyak niyang anak.



*[Mia's POV]*


Pagkabalik na pagkabalik ni Cloud galing sa academy ay inaya ko na itong mamasyal kami. Parang ang tagal-tagal na simula nung gumala kami.


Hawak-hawak niya ang kamay ni Shana samantalang ako naman ay hawak ko sa kanang kamay si Sean at sa kabila naman ay ang kamay niya


'Kinikilig ako'


"Mommy! Gutto ko hawak kamay ni Daddy!" reklamo ng anak kong si Sean


"Wag na baby, hawak mo na nga si Mommy eh" pigil ko sa anak ko. Aba! Kahit sa anak ko ipagdadamot ko ang ulap ko noh, minsan ko na nga lang makahawak ang gwapo kong asawa. OMG kinikilig ako!

She's The Vampire PrincessWhere stories live. Discover now