Chapter 12 : Confused (/)

19.3K 456 6
                                    


*Kinabukasan*

*[Mia's POV]*

Papasok na ako sa school, medyo inaantok pa ako dahil nga sa napuyat ako. Grabe kasi yung panaginip ko nakakadiri!

"Good morning" sabi ni Cristine, sabay na naman kaming papasok

"Good morning din"

"Oh bakit ang laki ng eyebags mo?"

"Napuyat kasi ako kagabi eh"

"Bakit naman?"

"Napanaginipan ko kasi na kami na daw ni Cloud" sabi ko na may halong pandidiri yung tono ng boses ko

"Ano ka ba Mia! Di panaginip yun!" medyo pinagsigawan pa niya

"Huh?" confused kong tanong

"KAYO NA NI CLOUD!"

*

*Sa classroom*

Nakita ko ang mga kaklase kong babae na parang kulang na lang eh isampal sakin yung mga hawak nila, galit na galit sila sakin, nakikita ko iyon sa mga mata nila. Rinig na rinig ko rin ang bulungan nila

"Panong nagkagusto si Cloud dyan eh di hamak na mas maganda ako dyan"

'Chura mo? Talampakan ko nga lang yang pagmumuka mo'

"Baka ginayuma niya"

'Excuse me? Ako? Gagayumahin si Cloud? No way! Over my dead sexy body!'

"Maganda ba yan?"

'Tagal na. Since birth pa'

"Mia" tumingin ako kay Cristine, kitang-kita sa mukha niya ang pag-aalala, tumingin lang ako sa kanya at ngumiti, sinasabing "Keri ko tong mga choserang to"

Umupo ako sa upuan ko at nagsimula nang magbasa, dumating si Sky at nginitian lang ako sunod naman si Light at si Cloud? Well who cares sa damuhong nagpakalat na kami na daw? Wow ah? Asa sya

Pumunta sila sa kanya-kanya nilang mga upuan pero bago tuluyang umupo si Cloud sa upuan niya ay...

UGH! >///< Kiniss niya ako sa cheeks!

Narinig ko ang mahinang hiyaw ni Cristine.. lang'ya! Kinikilig ang bruha! Samantalang yung iba kong mga kaklase ay umiiyak.. akala mo mga na broken hearted

"Sila na nga talaga huhu" rinig kong sabi ng isa

"Mukang masaya naman ata si Cloud sa kanya" sabat naman ng isa pa

Tiningnan ko si Cloud, Aba! Kapal muks tinaasan daw ba ako ng kilay? Gusto kong magalit pero ayaw kong mag-iskandalo kaya mamaya na lang, lagot ka sakin humanda kang damuho ka!

*BreakTime*

Inaayos ko ang gamit ko bago lumabas ng room ng tumayo si Cristine

"Mia girl! Una na ako sayo" sabi ni Cristine

"Wait, hintayin mo na ako mabilis lang to" sabi ko habang binibilisan ang pag-aayos ng gamit ko

"Eh? Hindi na, una na talaga ako babye" sabi niya sabay mabilis na umalis, pipigilan ko sana sya kaya lang ang bilis pala maglakad nun. Mga limang Segundo siguro ang nakalipas nang matapos ko nang ayusin ang gamit ko. Hala! Mahahabol ko pa sya, mabilis akong tumayo ng biglang...

"At san ka pupunta?" paglingon ko

Hala?! Nandito pa pala sya? Kala ko sumabay na kila Sky lumabas

"Pake mo?" pataray na sabi ko. Tumayo sya mula sa pagkakaupo at lumapit sakin

"Alam mo bang hinintay kitang iligpit yang mga gamit mo tapos iiwan mo lang ako?"

Halaka? Sinabi ko bang hintayin niya ako?

Hindi ko na lang sya pinansin, hahakbang na sana ako palabas ng bigla niyang hilahin ang kamay ko at inintertwined niya yon tas bigla syang naglakad at hinila ako.

Para akong kinakaladkad ng damuhong to ah! Sandali nga

Tumigil ako sa paglalakad at automatic na napatigil din sya

"Sandali nga!" sigaw ko sabay tanggal ng kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Tinaasan niya lang ako ng kilay sabay ipinasok sa pockets niya yung kamay niya

"Anong trip mo ngayon huh Cloud?" sabi ko habang naka crossed arms

"Anong trip pinagsasabi mo?" Nagmamaang- maangan pa

"For your information Mr. Cloud Mark Torino, hindi ko alam kung ano ang rason mo at may ganito kang trip sa buhay but I assure you that right now matatapos na tong lahat" I said, eh kaasar ba naman kase.... Sya kaya first boyfriend ko tapos trip lang? HUH! No way!

"You know my whole name Ms. Mia Neill Cruz" sabi naman niya. So, sabihan lang pala ng whole name ang drama na to? Tss makaalis na nga

Akmang aalis na ako nang magsalita sya

"Your my slave for one month right? Am I don't have a right to do what I want to you?" Automatic na napalingon ulit ako sa kanya at nakasandal sya sa pader still nasa dalawang magkabilang pockets niya yung kamay niya

"Not because I'm your slave for a month it means na magagawa mo na ang gusto mo especially na ang pagpanggapin akong girlfriend mo"

"Who says na magpapanggap ka?"

Ano ba? Ako ba pinaglolo-loko nitong taong to? Wait? Niligawan niya ba ako? Hindi naman diba? And wait again, Sinagot ko ba sya? Hindi rin naman diba?

"I cant understand you Cloud, Can we just stop this nonsense?" I said turning back.

Naglakad na ako palayo at hindi naman na sya nasunod, ano ba talagang balak niya at dinadamay pa ako sa mga trip niya? Tss

----------

#96

She's The Vampire PrincessWhere stories live. Discover now