Chapter 20: Day 1 (Part 2)

15.5K 384 2
                                    

*[Cristine's POV]*

Nandito na kami sa camping place namin. Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag nasa mapunong lugar ka. Nakaka excite! Parang ang daming mangyayaring exciting na mga bagay. Tingin ko maraming sorpresa ang magaganap sa camping na ito. Nakaka excite tuloy.


Nakatayo ako ngayon sa tapat ng cabin na titirhan ko. Lima ang malalaking cabin dito at para iyon sa 3 prince at samin ni Larina. Pinagtayo kasi kaming lima noon dito sa lugar na ito. This is not our first time to be here kaya may mga sarili na kaming cabin, kapag trip naming pumunta dito pwedeng-pwede kasi nga may titirhan na kami pero hindi namin ginagawa, mapagsasawaan kasi namin yung lugar kapag lagi kaming nandito. Yun yung rason nila.


"Don't tell me niloloko mo ko?"

"Sye-syempe hi-hindi"



Adik talaga yung dalawang yun, Mia at Cloud. Ang layo ng pagitan ng mga cabin namin pero naririnig ko pa yung pag-aaway nila tsk. Hirap talaga kapag in a relationship ka, buti na lang ako single at maganda pa iba talaga ang diyosa.


Papasok na sana ako sa loob ng cabin ko nang makita ko si Larina, papunta na sya sa cabin niya. Agad akong lumapit sa kanya, at nung makalapit na ako ay agad ko naman syang niyakap. Namiss ko ang bestfriend ko.

"Tss" rinig kong sabi niya nung nayakap ko na sya. Tsk magkapatid nga sila ni Cloud, pareho ng tag line.

"Namiss kita" sabi ko nang makabitaw na ako sa pagyakap sa kanya. Di man lang niya ako niyakap pabalik. Kakatampo talaga tong babaeng to.

"Tigil-tigilan mo nga ako sa kadramahan mo" Napayuko na lang ako. Hmp! Sungit talaga.


"Uy sama ka mamaya sa bonfire ah?" Dahil first day dito sa camping namin dapat magsaya diba? Tatlong araw lang kaming mananatili dito kaya enjoyin na!


"Ayoko" mabilis na sagot niya saka tuloy-tuloy na pumasok sa cabin niya at sinarhan ako ng pinto *pout* iba na talaga si Larina. Parang bumalik yung ugali niya noong una kaming magkakilala.

Wala sa loob akong bumalik ng cabin ko. Kainis naman, gusto ko pa naman na nandun sya mamaya para makita niya yung mga exciting na bagay na mangyayari like, malay mo may umamin na may gusto sa kanya yung mga ganon? Hayst!


*[Larina's POV]*

Ang ayoko sa lahat yung mga taong akala mo eh santa sa sobrang bait tsk. Plastic nga ika nila.

Nandito na ako sa loob ng cabin ko at pinipilit na magpahinga dahil sa mahabang biyahe kanina, isama pa yung maiingay sa likuran ng bus tsk! Lalo na si Sky? Kairita talaga!

Nasa 2nd floor ako ng cabin ko dahil nandito ang kwarto ko, binuksan ko ang bintana at umihip ang sariwang hangin. I really love the air here. When suddenly I saw a man standing behind the tree. Alam kong SYA yan, di ako pwedeng magkamali, pero bakit sya nandito? Alam na niya kaya ang pinaggagawa ng kapatid ko? Tsk! Hindi to pwede!

Kailangan ko bang gumawa ng paraan? Bakit pakiramdam ko may iba nang gagawa nun na sa tingin ko hindi ko magugustuhan.

She's The Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon