Chapter 29: Escape Part 1

13.6K 325 2
                                    


*[Mia's POV]*

Naalala ko na ang lahat. Bigla kong naimulat ang mata ko, same place, same position. Pero wala na sila Cristine at Daemon. Hindi lang ako basta bampira, isa akong prinsesa. Sinubukan kong kalagin ang bakal na dahilan kaya ngawit na ngawit na ang kamay ko.

Kailangan kong makatakas dito, nagbuntong hininga muna ako bago ko ulit sinubukan. Bampira ako kaya sisiw lang sakin ang bakal na to. Unti-unti ay natanggal na ang bakal. Gusto kong sumigaw sa tuwa pero pinigilan ko dahil baka marinig ako ng dalawang yon.

Sunod kong tinanggal ang mga bakal na nakakabit sa paa ko. Ilang minute pa ay natanggal ko rin ito. Sinubukan kong tumayo pero agad din akong napaupo, pakiramdam ko wala na akong lakas. Bigla namang may pumasok sa silid na kinaroroonan ko kaya umakto ako na parang nakagapos ulit. Amoy na amoy ko ang isang mabangong amoy mula sa kanya.

Hindi ko na alam ang nangyare, basta sinunggaban ko na lang sya at hinanap ang mabangong parte na yun sa katawan niya. Nagulat sya sa ginawa ko at akmang sisigaw pero tinakpan ko na agad ang bibig niya at kinagat ang parte na iyon na may banda sa leeg niya.

Nang pakiramdam ko nabawi ko na ang lakas ko ay binitawan ko na yung hawak ko. Mabait pa ako kaya hindi ko sya pinatay. Nawalan lang sya nang malay.

Lumabas ako ng kwarto at walang tao. Buti na lang...

Dahan-dahan pa akong naglakad at naaninaw ko sina Daemon at Cristine na nag-uusap. Siguro nga ako si Kesha noon pero....

Si Mia na ako ngayon

Sinubukan kong umalis nang di nila napapansin, patuloy pa rin ako sa pagtatago. Mukhang di naman nila ako napansin dahil sa seryosong pag-uusap nila. Malapit na sana akong makalayo nang macurious ako sa pinag-uusapan nila.

Unti-unti akong lumapit sa kanila nang hindi nila nahahalata.

"Dapat patayin na natin sya!" sigaw ni Cristine.

Plano mo talagang tapusin ang buhay ko?

"May kailangan pa si Dmitri sa kanya" saad naman ni Daemon.

Si Dmitri? Sino si Dmitri?

"Bakit kaba nakikipag tulungan sa taksil na bampirang yon?"

"Hindi mo na kailangang malaman, labas ka na don"

"Isa lang naman ang gusto ko at iyon ay ang patayin natin si Mia!"

Nababaliw na sya.

Gusto na niya talaga akong patayin..

"panginoon.." biglang may lumitaw na hinihingal na kung tama ako, base sa itsura niya ay isa syang sundalo.

"Anong problema?" mataray na sabi ni Cristine

"Ang bihag...."

"Anong meron sa bihag?" -Daemon

"Na---"

"Bilisan mong magsalita!" -Cristine

"Nawawala"

"Shit!" -Daemon

"Wala talaga kayong silbi!" -Cristine. At sa isang kisap nang mata ay naging abo na ang sundalo.

Kailangan ko nang makatakas dito..

Hindi ko kakayaning ako lang mag-isa.

-------------------------

Malapit na tayo huhu xD
Konting tiis na lang readers haha

@Bad_heartdemon
@kismyname

Thank you for the votes.

She's The Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon