Chapter 18: LQ?

17.7K 433 18
                                    

*[Mia's POV]*

"Hi" I said

Tumingin naman sya sakin pagkasabi ko non. Sakin nga ba? nakasalamin kasi sya pero pagkasabi ko ng salitang yan ay humarap sya sakin.

Tinitigan ko lang sya at hindi ko alam kung tinititigan niya ba ako.

"Alone?" tanong niya

"Nope" sagot ko naman "By the way I'm Mia" dugtong ko at inilahad pa ang kamay para makipag shakehands.

"I already know you" sabi naman niya at inabot din ang kamay sakin. Nang magdampi ang mga palad namin ay nakaramdam ako ng kakaiba, malamig masyado ang kamay niya na parang bangkay. Isa pa, masyadong mahigpit ang hawak niya sakin.

Agad kong binawi ang kamay ko.

"What's your name by the way?" tanong ko na lang para di niya mahalata na naiilang ako dahil sa pagkakahawak niya.

Bigla syang tumayo at inilagay sa magkabilang bulsa ang mga kamay niya.

"It's not yet the right time for you to know me" sabi niya at tumalikod na sakin. Tiningnan ko lang sya habang naglalakad

Ano kaya yung ibig niyang sabihin na 'Its not yet the right time?' kailangan ba na may tamang oras para malaman ko ang pangalan niya? Psh -.- another weirdo in my life.

"Hoy Mia girl!" agad naman akong nakaramdam ng masakit sa ulo ko. Kaya naman pala, binatukan ako ng bruha! Si Cristine tsk!

"Masakit ah! Gusto mo bang sapakin kita?" sabi ko at ipinakita pa ang kamao ko, ang sakit kaya ng batok niya, tumalsik nga ata utak ko dahil don.

"Gusto mo ba ulit na mabatukan ng isa pa ha?!" sigaw niya

"Bakit ka ba kasi nambabatok dyan ha?" pasigaw na tanong ko

"Sino ba namang tao ang hindi mambabatok kung yung kasama niya iniwan sya sa loob ng mall!" nangigigil na sigaw niya

"Ikaw naman kasi, ang tagal-tagal mo sa loob. Naiinip na ako, ano ba kasing ginawa mo doon ha?"

"Malamang bumili

"Bumili isang plastic lang?" pagtatakang tanong ko. 40 minutes sa loob ng department store tapos ang dala isang plastic lang at ang konti pa ng laman. Sino bang hindi magtataka doon right?

"Aray! Nakakarami ka na ah! Susumbong talaga kita sa ulap ko" sabi ko habang hinihimas yung part ng ulo ko na binatukan na naman nya. Di pa nga ako nakaka move on sa unang batok may sumunod na agad? Pag ako nainis dito papakain ko sya sa leon.

"At ako pa talaga ang sinisi mo? Halika na nga, ang dilim na oh. Ang hirap mo kasing hanapin leche ka! Ano bang ginagawa mo dito?" tanong niya

Nagsimula na syang maglakad at sumunod naman ako, kinwento ko sa kanya yung simula nang makaramdam ako na parang may tumitingin sakin hanggang sa kung paano ako napunta dito sa labas ng mall at nakilala yung lalaking blonde na naka shades.

"Ano? Musta naman? Gwapo ba?" agad na react niya nung kinwento ko sa kanya yung guy.

"Hmm siguro? Di ko masyadong nakita yung muka eh, naka shades kasi" sagot ko naman

"Ikaw may boyfriend ka na nga lumalandi ka pa rin"

"Lumalandi ka dyan? Nakipag 'Hi' lang ako, chura neto"

"Sus! Dami mo pang palusot, Uwi na nga tayo baka nag-aalala na yung ulap mo sayo"

"Panigurado yan" -Mia

She's The Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon