Chapter 27: The Plan

14.8K 350 8
                                    


*[Larina's POV]*

Mabilis na nawala sa paningin namin si Cristine, nasuntok ni Cloud ang lupa sa sobrang galit, nakayukom naman ang mga kamao ni Light na parang pinipigil ang isang bagay na ayaw lumabas mula sa kanya. Samantalang si Sky, hanggang ngayon ay hindi pa rin maintindihan ang mga nangyayari.

"Sa pagkakaalam ko, kaibigan niyo ko. Ano ba ang nangyayare?"

Dahil mukhang walang balak mag explain ang dalawa ay ako na ang nagprisinta para maintindihan niya.

*

Galit ako kay Cristine, hindi ko alam kung ano ang pinaka motive niya pero alam kong malalim yon. Handa syang pumatay. Ibig bang sabihin nito, kahit kami ay handa niyang patayin dahil lang sa isang rason niya? Pero ano yung rason na yon?

Buong gabi kaming magkakasama, doon muna kami tumuloy sa cabin ni Cloud dahil medyo malaki iyon. Natapos ko na rin ang pagpapaliwanag kay Sky, siguro naman ngayon kahit papano may naiintindihan na sya sa mga nangyayari.

"Bakit ganon na lang ang galit ni Cristine kay Mia?" sa wakas, may bumasag na rin nang katahimikan. Si Cloud ang nagtanong na magpahanggang ngayon ay kitang-kita sa mga mata ang galit. Ngayon ko lang syang nakitang nagkaganyan at mukhang dahil nga iyon sa biglaang pagkawala ni Mia. Akala ko noong una ay biro lang ang mga ginagawa niya dito dahil masyadong biglaan.

"Hindi natin alam pero paniguradong may mabigat syang dahilan" sabi ko. Opinion ko lang naman iyon.

"Kung ano man ang dahilan niya........hindi ko sya mapapatawad" -Cloud "Pag may nangyaring masama kay Mia, hindi ako magdadalawang isip na patayin sya" dugtong pa nito

Tinikom ko nang maigi ang bibig ko, baka kung ano ang masabi ko. Naikuyom na namang muli ni Light ang kamao niya.

"Saan kaya tinatago ni Cristine si Mia?" -Sky

"Gagamitin nila si Mia para patayin tayong lahat at sumunod sa kanya" -Light

Lahat kami ay napatingin sa kanya, anong pinagsasabi nito?

"Marahil ay buhay pa si Dmitri at tinutulungan sya nang magkapatid na yon" -Light

"Hindi kita maintindihan"

"Kung hindi niyo pa nalalaman, prinsesa si Mia. Ibig sabihin sya ang susunod sa trono.. Dapat. Kaya lang, namatay sya.. wala nang pumalit pa sa pwesto nang mga magulang niya noong namatay sya, ibig sabihin sya pa rin ang tagapagmana, pero pano nga mangyayari yun kung namatay nga sya" at tumawa sya nang sarkastiko.

Napakunot na lang ang noo ko, hindi ko talaga sya maintindihan.

"Kailangan ng basbas niya para malipat sa iba ang kaharian, kahit na moderno na ang panahon natin ngayon. Meron pa ring dapat na mamuno satin, lalo na at bampira tayo. Marami na ang sumusuway sa batas, kailangan na natin ng pinuno" -Light

Napa-nganga na lang ako sa sinabi niya, pakiramdam ko bumalik ako sa nakaraan.

"Anong mangyayare kapag nabasbasan na ni Mia ang sinasabi mong Dmitri?" -Sky

"Papatayin sya" -Light

Mas lalong nagalit si Cloud sa mga narinig niya at agad kinwelyuhan si Light, sa sobrang lakas ni Cloud sa pagtulak kay Light ay parehas nilang nalagyan nang crack ang pader.

"Diba ikaw ang protector niya?! Gumawa ka nang paraan!" sigaw nito. Parang wala namang tinanggal ni Light ang pagkakahawak ni Cloud sa kanya.

"Hindi nila sasaktan si Mia" sabing walang pag-aalala ni Light.

"Pano mo nasabi?" di ko na napigilan pa ang magtanong.

"Nandun si Daemon, di niya hahayaang masaktan si Mia"

*

Isang araw pa ang lumipas. Pangalawang araw na namin dito sa camp pero hanggang ngayon wala pa ring bakas ni Cristine at Mia.

Sheeez! Bakit ko ba sila hinahanap? Malamang hindi magpapakita si Mia dahil nakidnap nga sya, anong katangahan yan Larina? At kung magpakita naman si Cristine, si Cloud na ang bahala sa kanya.

Hanggang ngayon, di ko pa rin lubos maisip ang mga nangyayare, ibig sabihin... lahat nang ito ay may kinalaman sa nakaraan nila. Nilang tatlo nina Mia,Light at Cristine.

Hindi kaya love triangle silang tatlo? WHAT The?!!! Its possible! How can I be so stupid? Bakit di ko yun naisip agad? Pero walang panahon para sa mga kalandian dahil ngayon, ngayong nakuha na nang Daemon na yan si Mia, ano nang mangyayari sa mga magulang namin? Di na niya kami kailangan dahil nakuha na niya ang gusto niya..

"Mark" tawag ko kay Cloud. Nandito kami ngayon sa lugar kung saan huli naming nakita si Mia, sa lugar kung saan inutusan sya ni Cloud para kunin ang isang box na pwedeng magpabago nang lahat.

Hindi niya ako nilingon pero dama kong nakikinig sya kaya pinagpatuloy ko ang pagsasalita.

"Ngayong nakuha na ni Daemon si Mia.... Ano nang mangyayari kila Mama at Papa?" nag aalalang tanong ko. Kahit naman gano kasama ang isang tao, meron pa rin itong kahinaan at ang kahinaan ko ay ang mga taong malapit sakin.

"Hindi ko alam Gail.... Hindi ko alam"
---------------------
@MarivicVinas
@RutchieMonte

Thankies :)

She's The Vampire PrincessDonde viven las historias. Descúbrelo ahora