Chapter 21.5: Bonfire

15.8K 373 18
                                    


Nagpatuloy kami sa paglalaro ng spin the bottle. Ang objective ng laro ay kung kanino natapat yung bote kanina sya ang susunod na mag-uutos. So, si Sky na ang mag-uutos sa sinumang matapatan ng bote kanina.


Pinaikot nang muli ni Cristine ang bote at tumapat naman ito agad kay Light.

"Truth or Dare pare? Pili na!" excited na sabi ni Sky

"Dare" agad na sagot niya. Kalmado lang sya at parang walang pakialam sa iuutos sa kanya.

"Halikan mo nga paa ko" utos niya sabay tayo at akmang tatanggalin na ang sapatos ng biglang..

"Ginagago mo ba ako?" tanong ni Light. Grabe! Kanina si Sky, ngayon naman si Light? Sinong sunod na magmumura? Si Cloud?

"Tsk! Eto naman di na mabiro" padabog na umupo si Sky. AnCute!! Haha

"Bilisan niyo na nga! Ang dami niyo pang sinasabi" mataray na saad ni Larina. Kanina pa naiirita yan, ewan ko kung bakit. At tsaka panay ang tingin niya sa kamay namin ni Cloud na magkahawak. Tsk! May gusto kaya sya kay Cloud? MyGawd!

"Wala akong maisip! Kumuha ka na nga lang ng makakain" walang kwentang utos niya kay Light. Oo, walang kwenta talaga. Kung ako ang mag-uutos? Ewan? Wala rin akong maisip baka wala ring kwenta yung iutos ko sa kanya.

"My turn" biglang sabi ni Light?! panong?? Luh?! Ang bilis naman ata niya.


"Ang bilis mo naman" di makapaniwalang tanong ko.

"Tss" yan lang ang sagot nya sabay abot ng chichirya na nakuha niya sa kung saang lupalop man niya nakuha. Masasabi ko siguro na sa aming anim? Kung kasali lang sana ako sa grupo. Si Light na ang pinaka mature, hindi sa mukha kundi sa kilos. Sya nga kasi yung tipo ng tao na laging seryoso sa buhay kaya nga nagulat ako ng sumali sya sa pang isip batang larong to at sinunod pa ang walang kwentang utos ni Sky. Iba talaga ugali nito, di ko talaga mahulaan.

"Oh Mia-Girl! Baka naman matunaw na si Light niyan" agad na sabi ni Cristine kaya napatingin ako sa kanya na nakakunot ang noo. Sinasabi neto? Nakatingin ba ako?

"Sa sobrang pagtitig, ayan di na namalayan" sabi naman ni... Larina! Abat! Inaasar niya ba ako?

"Tss" sabi naman ng katabi ko.

EMEGED!! Nagseselos kaya ULIT sya?

"Paikutin mo na nga Light" utos ni Cloud sa kanya. Waaah! Nagseselos nga kaya talaga sya?

Pinaikot na ni Light ang bote at tumapat naman ito kay.... CLOUD!

"Tsk! May powers ata yang bote eh! Iniisa-isa tayong mga lalake" sabi ni Sky. Tumawa lang naman si Cristine, sa kanya kasi galing yung bote.

"Ano ka bata? Naniniwala sa powers?" natatawang saad ng huli.

"Bakit? Pag naniniwala sa powers bata agad?" tanong ni Sky. Nagkibit balikat na lang si Cristine, I'm sure kumukuha lang yan ng tiyempo para maghanap ng iaasar kay Sky.

"Truth or Dare?" tanong ni Light

"Dare" agad na sagot ni Cloud

"Bakit ako lang ang nag truth saten?" tanong ni Sky

"Kasi SILA matapang, IKAW hindi!" asar sa kanya ni Cristine. I told you, naghahanap lang sya ng maiaasar kay Sky.

"Tumigil ka nga" asar na sabi ni Sky

"Galit ka na niyan?" natatawang sabi niya

"Hindi" simpleng sagot naman neto

"Weh?"

She's The Vampire PrincessWhere stories live. Discover now