Chapter 10 : Untold Feelings

21.7K 525 8
                                    

*[Light's POV]*

Naglalakad-lakad ako sa loob ng university ng makita ko si Mia na papunta sa mapunong lugar

"SHIT! Anong gagawin niya dun?!" Agad ko syang sinundan pero minabuti kong huwag muna magpakita. Nasa mukha niya na parang may gusto syang makita. Ilang sandali ay nakaramdam ako ng kakaiba

Nandito sya... Hindi kaya?

Lumabas ako sa pinagtataguan ko "Anong ginagawa mo dito?!" Agad naman syang lumingon ng marinig ang boses ko. Binilisan ko ang paglapit sa kanya

"BAKIT KA NANDITO?!" kalmadong tanong pero may diin.

"Wa--wala na eexplore lang" sagot niya. May takot sa boses niya

"Simula ngayon wag na wag ka na ulit babalik dito ha?!" Babala ko.

"ba--baket? Wala namang masama kung nandito---

"MIA! SUNDIN MO AKO!" Sigaw ko. Hindi niya alam ang mangyayari kapag pinagpatuloy niya ang pagpunta dito. Nakita ko syang yumuko "so-sorry" sabi ko na lang, pinakalma ko na rin ang boses ko

"O-ok lang" rinig kong sabi niya pero nakayuko pa rin "A-Aalis na ako" dugtong niya sabay hakbang ng makarinig ako ng kaluskos banda sa puno. Sabay kaming napalingon sa lugar kung saan nangagagaling yung kaluskos

"A-Ano yon?" tanong niya. Maririnig sa boses niya ang kaba Biglang nagdilim ang langit. Pumunta ako sa harapan niya upang protektahan sya sa kung ano man ang nasa likod ng mapunong lugar na iyon

"Stay at my back" sabi kong nakatingin pa rin sa mapunong lugar Hindi ko maipaliwanag pero parang may hindi magandang mangyayari dito. Kailangan na ni Mia na makaalis agad dito. Hindi ko nga alam ang dahilan kung bakit pa sya bumalik dito, bumalik sa university na ito.

"Ano bang nangyayari?" rinig kong tanong niya

*Sssshhhhh*

Biglang lumakas ang hangin at mas lalo ring lumakas ang kaluskos na nanggagaling dun sa mapunong lugar

Napansin ko na lang bigla si Mia na palingon-lingon sa paligid

"Anong problema?" nag-aalalang tanong ko

"Narinig mo ba yun?" tanong niya na patingin-tingin pa rin sa paligid

"Anong narinig?" may kabang tanong ko. May naririnig syang hindi ko naririnig.. Ibig sabihin...

Tama ako! Sya nga!

"SINO KA?!" bigla niya na lang sigaw, para na syang nababaliw sa kinikilos niya. Patingin-tingin sya sa paligid
"Ano bang nangyayari sayo?" Nag-aalalang tanong ko. Nanlalaki ang mata niya, makikita ang takot sa kanya. Ilang sandali ay parang mapapatumba na sya at ...

"MIA!"naisigaw ko na lang ng bigla syang tumumba sa lupa. Natakbo ako palapit sa kanya at agad-agad syang binuhat. Ang lamig ng buong katawan niya

Papaalis na kami dito ng makarinig ako ng munting boses

"Hindi mo sya maagaw sakin, Light"

Ang boses na yon! SHIT! DAMN IT! Akala ko ba patay na sya?!

Binilisan ko ang pag-alis sa lugar na yon gamit ang Vampire Speed ko. Nag-aalala ako ngayon kay Mia. Bakit pa kasi sya bumalik? Bakit?!

Nakarating ako sa tinitirhan ko dito sa university. Agad kong inihiga si Mia sa couch at kinuha ko ang selpon ko upang tawagan si Cristine

*riiiing*

*riiiing*

*riiing*

"Hello?"

She's The Vampire PrincessWhere stories live. Discover now