Chapter 11 : Unexpected

22K 498 8
                                    

Heyya! Nabalitaan niyo na ba? Sinong exiter reader ko dito? Waahh! Dumating sila right? Napanuod niyo ba sila sa asap? Wafu no? haha

Niwey daldal ko..

Here's the next chappy enjoy!

--------------------
*[Mia's POV]*

Kinabukasan

"Hi Mia" nakita kong nakangiti si Cristine habang papalapit sakin "Sabay na tayo"

Nginitian ko rin sya pabalik

"Ang ganda ng panahon ngayon no?" tanong niya habang nakatingin sa langit.

Langit? Si Sky

"Cristine, may tatanong ako sayo" sabi ko habang patuloy pa rin sa paglalakad. Tumingin lang sya sakin at sumabay na sa paglalakad. Pantay na kami.

"Ano yun?" tanong niya

"Hmmm kase... may ano ba kayo ni ano.."

"Anong may ano ni ano?" nagtatakang tanong niya

"Yung ano"

"Diretsahin mo na kaya" -Cristine

"May relasyon ba kayo ni Sky?" diretsong tanong ko. Saka tinakpan ang bibig. Napabilis ata? Sabi ko na nga ba dapat dahan-dahan lang eh. Aish!

Wala syang imik habang patuloy kaming naglalakad. Sumeryoso na rin ang mukha niya at hindi na nangiti

"Bakit mo naman natanong?" seryosong tanong niya habang nakatingin sakin

"Wa-wala lang"

Ngumiti sya ng konti "May gusto ka ba kay Sky?" tanong niya. Napaiwas tuloy ako ng tingin at tumingin ng diretso sa nilalakaran namin

" Ano? Tama ako? May gusto ka nga kay Sky haha" pang-aasar niya sakin

Pakiramdam ko namula ako dahil sa pang-aasar niya

"Cristine naman eh" mahinang sabi ko. Nakakahiya! Mamaya malaman niya pa. Iihh!

"Dont'cha worry Mia my friend. Friends lang kami ni Sky, nothing more and nothing less" nakangiti niyang sabi. Napangiti naman ako ng palihim

Pagdating namin sa classroom ay nandun na sina Sky at Light, maging ang damuhong si Cloud ay nandun na rin

"Gustong-gusto mo talaga na pinaghihitay ako no?" rinig kong sabi ni Cloud

Hindi ko sya pinansin, malay ko ba kung sino kausap niya.

Agad akong umupo sa upuan ko, ganun din ang ginawa ni Cristine. Naglabas ako ng libro at umakting na nagbabasa kahit ang totoo ay nakatingin ako kay Light na tahimik na nakaupo.

Iniisip ko yung nangyari kagabi, bakit ganun? Parang nagiging weird ako? Hindi naman ako nag s-sleep walk ah pero pano ako napunta dun? At isa pa bakit gutom na gutom ako pagkagising ko? I'm craving for something na di ko lang alam. Parang isang malapot na bagay pero di mo ma identify.

"Ang libro binabasa hindi tinititigan"

Napatingin ako sa nagsalita, si Sky nakatingin sya saken. Kailangan niya lang lumiyad ng konti para makita ako dahil nga sa nakaharang si Cristine sa gitna namin.

Ngumiti lang ako sa kanya tsaka binaba ang librong hawak ko.

"Cristine" tawag ko. Tumingin naman sya sakin

"Oh?"

"Nagugutom ako" sabi ko

"Di ka ba kumain?" tanong niya

She's The Vampire PrincessDove le storie prendono vita. Scoprilo ora