Chapter 32: The Final Chapter Part 1

14.8K 338 7
                                    


*[Mia's POV]*

Matapos nang araw na iyon ay naging maayos na ang lahat. Humingi nang tawad sakin si Daemon dahil sa ginawa niya noon, nagawa niya lang daw iyon dahil pinagtatangkaan ni Dmitri na patayin ang kapatid niyang si Cristine. Si Cristine naman ay humingi rin nang tawad at nangakong gagawin ang lahat mabalik lang ang tiwala ko sa kanya. Hindi naman ako nagagalit eh, ok lang. Naintindihan ko naman dahil mahal na mahal niya si Light at nabulag lang sya sa katotohanan. Kung ako sya siguro ganun din ang gagawin ko.

"Bilisan mo nga dyan Mia! Pinaghihintay mo yung mga lalaki oh!" rinig kong sigaw ni Larina mula sa labas nang bahay.

Matapos rin nang araw na iyon ay naging close na kami. Kahit na lagi niya akong sinisigawan at minamadali *pout* nalaman ko rin na magkapatid sila ni Cloud. Nahihiya tuloy ako minsan sa sarili ko kasi napagkamalan kong may nakaraan sila yun naman pala wala. Pero syempre ako lang ang nakakaalam nang kababalaghang naisip ko hehe.

10 days passed by at nang maging maayos na talaga ang lahat ay bumalik kami sa lugar kung saan kami nag camping. Kaming pito lang. Ako, si Cloud my loves, Larina,Cristine,Sky,Light at ang bagong miyembro nang barkada.. si Daemon!

Nung isang linggo ay nag confess sakin si Daemon at I swear! Kinilig ako haha. Pano ba naman kasi.. nag confess sya.. sa harap mismo nang mga kaibigan ko.. nakakaloka!

Matapos kung mag-ayos ay lumabas na ako at nakita si Larina at Cristine sa labas. Nakangiti sakin si Cristine pero si Larina..er? wag na lang hehe.

"Nagpapaganda ka ata kay kuya eh" asar sakin ni Cristine. Nasabi ko na ba sa inyong blooming ang babaeng ito? Nililigawan na kasi sya ni Light at sooner or later ay sasagutin na niya ito. Sabi ko naman kasi sa kanya.. sya ang gusto at hindi ako.. pasaway talaga.

"Sshhh! Ano ka ba! Marinig ka ni Cloud magselos pa yun" sabi ko

"Naririnig niya tayo.. baka nakakalimutan nyong bampira ang mga boyfriend niyo?" pagtataray ni Larina.

"Yung boyfriend mo rin naman bampira ah" sabi naman ni Cristine.

"Sinong boyfriend ko?" takang tanong ni Larina.

"Sino pa ba? Edi ako! Babe naman kinakalimutan mo na ako"

Bigla-bigla namang lumitaw sa kung saan si Sky sabay akbay kay Larina.

"Aalisin mo ang kamay mo o aalisin mo?" banta ni Larina

"Babe naman eh! Ang mean mo sakin. Di pa nga tayo under na ako" -Sky

"Tigilan mo ako Sky ah" -Larina

"Pagsabihan mo nga tong kapatid mo Cloud. Wala na syang makikitang mas gwapo pa sakin" -Sky

"Anong Cloud ka dyan? Wala namang-"

"Hanap mo ako?"

Nagtindigan lahat nang balahibo ko nang maramdaman ang mumunting hangin mula sa batok ko. Shet! Goosebumps!

"Pano ka napunta dyan?" kahit alam ko na ang dahilan kung pano sya nakalapit agad sakin ay sinabi ko pa rin. Ayoko nang ganito sya kalapit.. baka di ako makapagpigil at sunggaban ko sya. OMO! Erase! Erase!

Lumitaw din sa di kalayuan sina Light at Daemon na prenteng naglalakad.. medyo may ilangan pa rin sa kanilang dalawa pero time heals wounds naman diba? Kaya di magtatagal ay magbabati din sila.

"Naglalakad pa lang yan ah? Pano kaya kapag lumapit na?" nang-aasar na sabi ni Larina. Tiningnan ko ang namumulang si Cristine.. tsk tsk malakas talaga ang tama nito.

"Ready na ba kayo?" tanong ni Light nang makalapit na sya samin.

"Kanina pa" ngiting-ngiting sagot ni Cristine sa kanya sabay pulupot nang braso dito. Di pa sila niyan ah.

"EHEM!"

"Hehe.. joke lang" sabi niya sabay alis nang braso kay Light. Yan ang isa sa dahilan kaya may ilangan ang dalawa.. bantay sarado si Cristine haha.. buti na lang nag-iisang anak ako kaya free akong makipaglandian kay Cloud my loves.

Tulad nga nang sabi ko kanina ay nandito kami sa lugar kung san kami nagcamping. May naka set na bonfire dito. Ginaya nila yung eksena noong nawala ako.. ang mga walangya! Baka maulit iyon.

"Itutuloy natin yung naudlot noon" panimula ni Sky

"Ikaw Mia.. kukunin mo ulit yung box doon" sabay turo niya sa lugar kung saan ako pumunta noon. Eto na naman tayo..

"Sigurado kayo?" kinakabahan na tanong ko.

Sabay-sabay naman na tumango ang lima kasama si Daemon.. magkano ang binayad nang mga to sa kanya at napapayag?

"Pano kapag nawala ulit ako?"

"Wala na akong kinalaman don ah" sabi ni Cristine

"Kainis naman eh! Pwede iba na lang?"

"Hindi pwede..." -Sky

"Cloud..."

"You'll be safe don't worry"

Aish! Nakakainis talaga! Nagbuntong hininga muna ako bago tumayo. Kapag ako namatay dito mumultuhin ko talaga kayo kala niyo!

Pumasok ako sa forest.. ganon pa rin.. naglakad-lakad ako hanggang sa makarating ako sa part kung saan nakita ko si Daemon. Pumikit ako at idinilat na muli ang mata.. walang nangyari... Psh! Ang assuming ko naman ata? Naglakad na muli ako at di kalaunan ay nakita ko na ang box.. maliit lang ang box na iyon at kulay itim pa na may pulang ribbon.

Pagkakuha ko ay na curious ako bigla.. wala namang sinabi na buksan ko at wala rin namang may sabi na wag ko buksan. Inalog ko ang box, wala akong marinig. Tumingin-tingin muna ako sa paligid.. baka nakasilip sila eh.. sisilip lang naman ako.. pagbalik ko kunyari di ko nakita.

Dahan-dahan kong binuksan ang box, parang may kuminang nung nabuksan ko ito nang kaunti. Bigla ko naman itong naisara agad dahil may narinig akong kaluskos.

'Shocks!'

Binuksan ko muli ang box, kailangan malaman ko kung ano ang kumikinang na iyon..

*Boogsh*

"Ay palaka!"

Sa sobrang gulat ko ay naibagsak ko ang box.

'Patay tayo... nabuksan na nang tuluyan tsk!'

Nang pupulutin ko na ito ay saka ko nakita ang laman....

WTH?!

O___O

Singsing?!

---------------------
Pinutol ko to kasi parang ayaw niyong matapos tong story haha...

@IceFontana18

Thanks sa votes

She's The Vampire PrincessWhere stories live. Discover now