Chapter 16: Lame

16.2K 399 6
                                    

*[Sky's POV]*

Yes! Nagbabalik ang pinakagwapo sa tatlo tsk xD Masaya ako para kila Cloud at Mia, hindi naman ako gaanong nasaktan. Crush ko lang naman si Ms. Ganda eh at tsaka may mahal na akong iba, sungit nga lang. pero dahil mahal ko pagtitiisan ko. Ganyan naman dapat magmahal ang mga gwapong lalaki diba? Kahit lapitan ng iba hindi papatukso maliban na lang talaga kung hot at--

"Damn it!"

Maganda. Lalo na yung seksi tas kitang-kita yung bawat parte ng-

"Fvck! Bakit ang tagal!"

Hindi ako makapag monologue ng maayos dahil sa taong mura ng mura sa paligid ko.

Nandito kami ngayon sa tambayan namin, wala si Light di ko alam kung san pumunta. Kasama ko si Cloud at siguro naman alam niyo na kung ano ang mood niya. Iba talaga impact ni Mia sa kanya. Isang linggo na yang ganyan eh. Alam ko naman na joke lang yung sigaw niya na sila daw pero ngayon mukang totoo na. Iba talaga nagagawa ng pag-ibig

"Hoy Cloud! Natatae ka ba?" tanong ko. Kanina pa kasi yan pabalik-balik at hindi mapirmi sa isang lugar. Kala mo may bulate o ano.

Kahapon pa naganap yung aminan nila tss. Corny nga eh haha pero ang cute tingnan. Waaah. Bading na ata ako ah.

Wala si Mia ngayon, sinama ni Cristine sa mall. Bibili daw ng mga abubut para sa darating na camping.

"Hoy! Pumirmi ka nga" Nilingon naman niya ako at nakakunot ang noo na tumabi sakin at umupo

"Anong oras na ba?" tanong niya. Aba! Orasan ba ako? Bakit ako pinagtatanungan nito? Pero dahil sa mabait ako at gwapo pa sige pagbigyan na.

"Alas tres na" sagot ko. Bigla syang tumayo at dinutdut ang phone niya. Akalain mo may phone pala to.

"Ang tagal naman nila" daing niya habang patuloy dinudutdot yung phone. Nakakaawa yung phone. Parang minumurder ng katabi kong may saltik.

"Baka naghanap na ng iba" biro ko sa kanya. Nakita kong sinamaan niya ako ng tingin "Easy ka lang. Wala ka atang tiwala sa girlfriend mo eh"

Possesive na si Cloud xD Peg-Ebeg nga naman haha

"Lul! Umalis ka nga sa harapan ko baka mapatay kita ng wala sa oras"

"Oy wala namang ganyanan di ko pa nga napapasagot kapatid mo eh"

"Edi umalis ka dito at hanapin mo. Naiirita ako sa mukha mo!" sigaw niya

"Naiirita? Bakla ka ba?"

"ABA'T!-" tumakbo na ako ng mabilis Vampire Speed pa para masaya xD baka mapatay ako ng wala sa oras eh

Hahanapin ko na lang ang love of my life ko para makumpleto na ang araw ko.
--------------------------

Alam ko sasabihin niyo, walang kwentang update haha.

-zoey

She's The Vampire PrincessWhere stories live. Discover now