Chapter 28: I am the vampire princess

15.4K 382 7
                                    

Dahil minamadali niyo ako xD
Napaaga UD ko *pout*

@ice_gangster

Uso ba tadtaran nang votes dito? haha

Thank you po

---------------

*[Mia's POV]*

Nagising ako sa isang madilim na lugar, dama ko ang pamamanhid nang kamay at paa ko. Sa dinami-dami nang pwedeng ipanggapos sakin, bakit bakal pa? Alam kong bakal ang nakagapos sakin dahil dama ko ang lamig nito.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid, pano ba ako napunta dito? Ang natatandaan ko lang ay naglalakad ako papasok dun sa pesteng gubat na yun para lang makuha yung pesteng box ni Cloud. Aish! Kasalanan tong lahat ng box, ni hindi ko nga yun nakita. Kainis!

Napatingin ako sa harapan nang biglang may lumiwanag, pinto pala ang katapat ko. Pinasingkit ko ang mata ko para mas lalong masilayan ang taong pumasok sa loob.

"C-Cristine?"

"Buti naman at gising ka na, akala ko kailangan ko pang gumamit ng dahas magising ka lang" sagot niya, di ko masyadong makita ang mukha niya dahil medyo nag-aadjust pa ang mata ko sa liwanag, pero dahil narinig ko na ang boses niya, walang duda. Si Cristine nga.

"Cristine... a-anong nangyayare?" tanong ko. Lumapit sya sakin at lumuhod sa harapan ko, kitang-kita ko na ang mukha niya at pansin kong... may galit sa mata niya.

"Hindi ko alam kung tanga ka o tanga ka talaga" pangiti ngiti at iling iling niyang sabi sakin. Napakunot noo ako, ano bang pinasasasabi niya.

"Hindi kita maintindihan.. at tsaka bakit ako nakagapos dito?"

Tumayo sya at lumayo ng kaunti sakin.

"Nakagapos ka dahil papatayin kita" dire-diretso niyang sabi. Wala man lang pasabi. Nanlaki ang mata ko.

"Anong...ibig mong....sabihin?"

"Pagod na akong maging mabait sayo Mia, hindi mo pa rin ba matandaan ang nakaraan mong buhay?!" sigaw niya. Ngayon ko lang nakita na nagkaganyan siya, puro galit ang makikita mo sa mukha niya.

"C-Cristine d-di kita ma-maintindihan" nauutal kong sabi. Ano bang kasalanan ko at galit na galit sya saken? At anong nakaraang buhay?

May naramdaman akong malakas na pwersa na tumama sa pisngi ko, dun ko lang narealized ang mga nangyayare.

*Flashback*

Nasa gubat ako nun at hinahanap yung box nang may biglang nag appear sa harapan ko. Kung hindi ako nagkakamali, sya yung lalakeng nakita ko sa labas ng mall. Yung lalaking blonde at may blue eyes. Yung lalakeng inakala kong foreigner. Pero bakit sya nandito?

Nakakunot noo akong nakatingin sa kanya. Bigla naman syang lumapit sakin at ngumiti. Mali. Ngumisi, ngumisi sya sakin. Nakaramdam ako ng takot, pakiramdam ko nasa bingit nang kamatayan ang buhay ko. Naramdaman ko na ito dati pero di ko alam kung saan.

"Nagkita ulit tayo" sabi niya sabay tigil sa harapan ko. 2 steps

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Nasa gubat sa kalagitnaan ng gabi?

"Nandito ako.....para...kunin ka"

*End of Flashback*

"Ka-Kasama mo sya?" di ko makapaniwalang tanong kay Cristine.

"Mukhang effective ang pagsampal ko sayo ah? Dalasan ko kaya?" sabi niya habang hawak ng hintuturo niya ang baba niya na parang nag-iisip.

"Cristine.....baket?" pagkatanong ko niyan ay bigla na lang tumulo ang luha ko. Naiiyak ba ako dahil nasampal ako?

She's The Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon