Chapter 8: Missing Identity

20.5K 527 16
                                    

#72 pasok tayo sa Top 100

Thanks Guys! Lots of love! xoxo

----------------------

*[Cristine's POV]*

Alam na kaya niya? Alam na kaya niya ang pagkatao niya? Nakita na kaya niya?

Nandito ako ngayon sa bahay ko. Maaga kasi kaming pinauwi kanina kaya dito na rin ako dumiretso para makapagpahinga. Alam kong maraming tanong si Mia pero hindi ko pwedeng sagutin lahat, kailangan malaman niya ang sagot sa sarili niya.

*Knock Knock*

"Pasok" sabi ko ng may kumatok sa pinto. Bumungad naman agad si Sky na nakangiti sakin.

Laging smiling face talaga to

"Musta?" sabi niya sabay upo sa may sofa at nag crossed legs

"Ayos lang" simpleng sagot ko "Gusto mo ba ng juice?" aya ko pa

"Hindi wag na, di naman ako magtatagal eh" sagot niya

"So anong kailangan mo?" tanong ko

"Wala, dinadalaw lang kita bakit? Ayaw mo ba?"

"Tss -.- tigilan mo nga ako Sky"

"Ikaw naman di na mabiro haha"

"May kamukha si Mia hindi ba?" pagkuway sabi niya

Napatingin naman ako bigla sa kanya na nung mga oras na yun ay nakatingin din sakin. Napansin niya rin pala

"Si Kesha" sabi ko na lang

"Hindi ko alam ang tunay na kwento pero alam kong kilala ni Light si Kesha" -Sky

Hindi lang kilala. Kilalang kilala

Si Light, alam niya ang lahat ay hindi. LAHAT-LAHAT alam niya.

*

*[Mia's POV]*

Naglalakad ako pauwi sa tinitirhan ko dito nang makita ko si Light. Nasa ilalaim sya ng puno at nakatakip sa mukha niya ang isang libro. Tulog ata sya. Gusto ko syang lapitan, gusto ko syang tanungin, para kasing nasa kanya ang sagot na hinahanap ko, ewan ko pero parang yun ang nararamdaman ko.

Lalapit na ako...

Lalapit na ako...

Konting hakbang na lang....

Malapit na....

Malapit na malapit na...

"HOY BABAE!" Napalingon ako kung sino ang sumigaw

Bwisit! Sya na naman?!

"Anong ginagawa mo ha?" tanong niya

"Ano bang pake mo?" sagot ko

"Sumunod ka sakin" sabay tumalikod sya at naglakad palayo.

Psh >.< ano na naman bang gusto nito?

Sumunod ako sa kanya. Habang palayo ay sinilip ko muna si Light. Tulog pa rin. Sumigaw na lahat-lahat wala pa rin, tulog mantika.

*

"Bakit ba?" tanong ko ng tumigil na sya sa paglalakad. Huminto sya sa isang lugar dito sa university, ewan ko kung ano ito eh parang park na mini garden ang tema nitong lugar.

"Ano?" tanong ko nang lumingon sya at tinitigan ako mula ulo hanggang paa.

Problema nito?

Lumapit sya sakin

"Oy oy oy! Anong ginagawa mo?" tanong ko habang napapa atras ako. Lapit pa rin sya ng lapit sakin...

She's The Vampire PrincessWhere stories live. Discover now