Chapter 5: Its Complicated

24.4K 579 8
                                    

*[Sky’s POV]*

Nandito ako ngayon sa tambayan kung saan kaming tatlo lang ang nakakaalam, kasama ko si Light at Cloud. Hindi kami pumasok total di rin naman kami nakikinig.

“Problema nun?” tanong ko kay Light na nakaupo sa lilim ng isang puno at nagbabasa ng libro

“Ewan” tipid niyang sagot

Nakatingin ako kung saan naroon si Cloud, nakayukom ang kamao niya na parang gustong sugurin ang isang tao.

“Hoy problema mo?” tanong ko ng makalapit ako sa kanya

“Ang lakas ng loob niyang sabihan ako ng bading” sagot niya habang nangingilit ang mga ngipin.

Napaisip ako, sino naman ang may lakas ng loob na sabihan sya ng ganun? Si Cloud Mark Torino na isa sa pinaka malakas na bampira sa lugar na ito nasabihan ng ganun?

“Sino naman ang nagsabi niyan?” tanong ko

“Edi yung Megaphone na yon!” agad niyang sagot

Megaphone?

Napangiti na lang ako ng maalala ko kung sinong megaphone ang tinutukoy niya.

“Anong ngini-ngiti ngiti mo dyan?!” tanong niya na medyo tinaasan pa ako ng boses

“Wala naman, nakahanap ka na rin ng katapat mo” sabi ko

“Tss”

Sandaling tumahimik ang paligid

“May kamuka sya no?” tanong ko sa kanila habang nakatingin ako sa ulap

Napatingin ako sa magiging reaction nila. Si Cloud na nakakunot ang noo samantalang si Light ay napatigil sa pagbabasa.

“Ano?” tanong ni Cloud

“Ang sabi ko may kamuka sya no?” tanong kong muli

“Ang malas naman ng kamuka niya kung ganon” -Cloud

“Di niyo ba napapansin? Kamuka niya si-"

“Kesha” sabi ni Light

“Kesha?” tanong ni Cloud

“Oo tama! Kesha pala pangalan nun” sabi ko

“Sinong Kesha?” tanong uli ni Cloud

Ako na ang sumagot

“Yung painting ng babae na makikita mo sa principal’s office” sabi ko

“Sino ba yang Kesha?” tanong na muli ni Cloud

“Ewan ko” sagot ko. Si Light , alam kong kilala niya kung sino si Kesha. Maraming lihim si Light na hindi namin alam, masyado talaga syang masikreto.

Ah! Kaya pala laging lumilihis yung tingin niya kapag nagkikita sila ni Mia namumukaan niya pala yon

“Samahan niyo ako” aya ni Cloud

“San?” tanong ko

“Kalabanin yung megaphone na yon” sagot niya

“Pati ba naman babae pinapatulan mo?"

“Tss” sagot niya

*[Mia’s POV]*

“Saturday. Park. 2pm” sabi ni Cloud sabay alis

Hala? Ano problema ng bading na yon?

Napakunot tuloy ako ng noo dahil hindi ko sya naintindihan

“Doon daw gaganapin yung game niyo” rinig ko ang isang boses. Boses ng babae at  paglingon ko nakita ko si Ms.Sungit. Larina ata pangalan

“Ano?” tanong ko

“Bingi ka ba? Sabi ko doon gaganapin ang laro niyo” ulit niya

“Hindi kaya kita maintindihan” sabi ko sabay taas ng kilay

“Psh. Slow naman” rinig kong sabi niya

Aba? What the?

“Eh kung pinapaliwanag mo po kaya para maintindihan ko” sabi ko

“Tsk. Diba niyaya ka niya sa isang game? Sa Saturday, gaganapin sa park, 2pm”

“Ah ganon?” sabi ko. Dami pa kasing alam na pa short cut short cut. Ang arte

“Ay teka! pano mo nalaman na niyaya niya ako sa isang game?”

“D-U-H kalat na kalat na kaya yon” sagot niya

“D-U-H kalat na kalat na kaya yonTss ang arte. Pang-aasar ko pero syempre sa isip ko lang baka pagdiskitahan ako nito eh.

Aalis na ako ng bigla syang magsalita

“Sino ka ba talaga?” tanong niya

Humarap naman ako sa kanya at tinaasan sya ng kilay

“Mia Neill Cruz” sagot ko at naglakad na palayo. Problema nun? Nagkaroon ng interest sakin?

Habang naglalakad, di ko alam kung saan ako pupunta wala naman kasi si Cristine may gagawin daw kaya ako eto, walang magawa. 30mins. pa bago ang next subject ko kaya naisipan kong tumamabay sa park ng campus. Hindi gaanong mainit ng mga oras na yon kaya kahit saang bench ka umupo ay ok lang, wala ring masyadong tao noon kaya tahimik ang buong lugar. Masarap ang simoy ng hangin tanging mga chirp ng ibon ang maririnig.

Hayy sarap matulog.

“Hi” rinig ko

Napadilat ako at tumingin sa lalaking papalapit sakin

Si Light

“Hello” tanging nasabi ko. Di ko pa ito narinig magsalita ever since na pumasok ako dito. Umupo sya sa tabi ko, hindi naman tabing-tabi, may kaunting space pa naman sa gitna naming dalawa.

“Anong ginagawa mo dito” tanong ko

“Wala, tumatambay” tipid niyang sagot

Walang nagsalita saming dalawa.

“Alam mo” sabi ko. Napatingin naman sya sakin na nung mga oras na yon ay nakatingin sa langit

“Ano?” tanong niya

“Para kasing ano…" pano ko ba to sasabihin? "I think n-nakita na kita dati” umiwas ako ng tingin

Hindi ko sya narinig magsalita.Tiningnan ko ang reaksyon nya, nakatingin lang sya sakin at seryoso ang mukha.

“Bakit ka lumipat dito?” tanong niya

Ang layo naman ng feedback niya sa sinabi ko

“Bakit?” tanong niya uli

“Ewan ko rin eh” I shrugged “Sinabi na lang sakin ng mga magulang ko na lilipat na ako siguro dahil yun sa nahilo ako” dugtong ko pa

“Nahilo?” tanong niya

Nge? Wala pa pala akong napagsasabihan kung bakit ako nahilo

“Wala, simpleng hilo lang yon” sagot ko

Nakita ko ang reaction ng mukha niya parang hindi sya satisfy. Ganyan na ganyan din yung reaksyon ko noong nagtanong ako kay Cristine

Huminga ako ng malalim. Sige na nga ikukwento ko na

“Kasi ano eh” panimula ko “Nasa locker room ako nun ng school namin tapos…” tumingin muna ako sa mukha niya bago ako muling nagsalita “may narinig ako”

“Anong narinig mo?” tanong niya

“May ano….may boses.. boses lalaki” sabi ko “Hay naku! Wag na natin pag-usapan hindi kasi kapani-paniwala eh” sabi ko na lang sabay tawa

“Sa wakas, Nakita na rin kita” narinig kong sabi niya. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya

“Pano….pano mong nalaman yan?” tanong ko

Tumayo sya at naglakad palayo sakin

“Wag kang magtitiwala sa kahit na sino, Sarili mo lang ang pagkatiwalaan mo” sabi niya at muling naglakad palayo

Hindi ko sya maintihan.
-----------------

Si Light po yung nasa taas

She's The Vampire PrincessWhere stories live. Discover now