Chapter 25: Behind Stories (Light)

15.2K 351 8
                                    


*[Light's POV]*

Panong...baket?

Baket to ginagawa ni Cristine?

Sya ba talaga...

Sya ba talaga ang...

ang...

minahal ko?

*Flashback*

Nakalipas na ang isang dekada simula nang mamatay ang prinsesang di ko naprotektahan. Napunta ako sa BU, di ko akalain na may unibersidad pala para sa mga bampira.

"Light?"

Agad akong napalingon sa nagsalita. At nakita ang babaeng....

"Cristine?"

"Ikaw nga! Anong ginagawa mo dito? I mean, akala ko---"

"Hindi ako namatay" yan lang ang nasagot ko

Ako at si Cristine ay matagal nang magkakilala, kilala niya rin ang prinsesa at kilala ko rin ang kapatid niya. Kahit na ako ang protector ng prinsesa ay tinuring nila akong kaibigan, dalawang taon lang ang agwat ko kay Kesha (Ang prinsesa) magkasing edad sila ni Cristine at magkasing edad naman kami ni Daemon.

Isang dekada na ang nakakaraan nang magkaroon nang matinding digmaan. Kung digmaan mang matatawag yon. Sinugod ang palasyo at pinatay ang mga namumuno kasama na ang hari at reyna.

Nanguna sa paglusob ang taksil na si Dmitri (Bampirang pinatapon sa malayo dahil gusting angkinin ang buong kaharian). Hindi ko alam kung baket o paano pero... kasama niya si Daemon.

Masyadong mabilis ang pangyayari, basta ang alam ko lang. Tumatakbo ako kasama si Kesha para makatakas kailangan ko syang protektahan nang biglang sumulpot na lang bigla sa harapan si Daemon.

Akala ko kakampi sya pero.. pinatay na lang niya bigla si Kesha na syang hindi ko maintindihan. Magkakaibigan kami kaya pano niya nagawa iyon?

"Light? Nandyan ka pa ba?" nagpabalik sa akin sa realidad ang pagwagayway ng kamay ni Cristine sa harap ko
"Pasensya na, may naalala lang ako"

"Nakakalungkot.. di ko akalain na mamamatay si Kesha" saad niya

Walang kaalam-alam si Cristine sa nangyari. Pagkatapos nang lusuban ay nawala na lang bigla si Daemon at naiwan na lang niya ang kapatid niya. Umalis din si Cristine dahil hahanapin niya daw ang kuya niya. Isang dekada na yon at ngayon na lang ulit kami nagkita.

"Nakita mo na ba si.... Daemon?" sa tuwing sasabihin ko ang pangalan niya, naiinis ako! Nanggagalaiti sa galit ang lahat nang laman loob ko.

Bigla syang umiwas nang tingin at naging mukhang malungkot ang mukha niya.

"Hi-Hindi pa eh"

Tumango na lang ako. Kung buhay pa si Daemon, di ako magdadalawang isip na patayin sya kahit kapatid pa sya nang babaeng mahal ko.

Parang nakababatang kapatid ko na si Kesha kaya gagawin ko ang lahat para sa kanya. Poprotektahan ko sya kahit na anong mangyari.

"Ano nang balak mo? Mag-aaral ka ba dito at magsisimula nang panibagong buhay?" tanong niya. Simula nang mamatay ang hari at reyna ay wala nang pumalit sa mga ito, kahit na may kapatid ang hari ay hindi niya kinuha ang posisiyon para mamuno kaya parang naging demokratiko ang lugar namin.

"May hinihintay ako" alam kong malayo yan sa tanong niya.

"Huh?" tanong niya na parang naguguluhan

She's The Vampire PrincessWhere stories live. Discover now