Chapter 30: Escape Part 2

13.4K 347 9
                                    


*[Mia's POV]*

Tumakbo ako palabas nang lugar na yon. Saka ko lang narealized kung nasaan ako, nasa gubat pa rin ako kung saan malapit yung pinag campingan namin. So it means baka nandito pa sila Cloud at hindi pa umaalis.

Tumakbo lang ako nang tumakbo hanggang sa makaalis sa lugar na yon. Although alam ko na na bampira ako ay hindi ko pa rin alam kung paano ito gamitin para tumakbo nang mabilis.

Hanggang sa tuluyan na akong nakakakita nang mga cabin. Yes! Malapit na ako. Takbo lang ang ginagawa ko... alam kong malapit na ako at sigurado akong di pa sila bumabalik sa BU dahil tatlong araw ang stay namin dito at pangalawang araw pa lang namin ito.

"Where do you think your going?"

Automatic na napatigil ako sa pagtakbo nang biglang lumitaw sa harap ko si Cristine. Gulat ang mababakas sa mukha ko pero mabilis din akong nakabawi nang marealized ko na hindi pala sya isang tao.

"Bakit mo ba dito ginagawa?" taas kilay kong tanong sa kanya. Alam kong hindi ito ang tamang oras para magtaray pero anong magagawa ko? Tinuring ko si Cristine na isang tunay na kaibigan at isa pa, sya rin ang unang taong um-approach sakin nung bagong dating ako kaya sinong maghihinala na sya pala ang may pinakamalaking galit sakin. Maiintindihan ko pa sana kung si Larina pero sya?

"Hindi mo pa ba naaalala? Alam kong naalala mo na ang lahat kaya wag kang mag maang-maangan. Kesha" matalim ang tingin na sabi niya sakin.

"Ano naman ngayon? Wala naman akong makitang dahilan para magalit ka sakin nang ganun. Ano ba talagang----"

"Mang-aagaw" yan ang sinabi niya.

"What?"

"Lahat na lang inagaw mo. Mang-aagaw ka. Inagaw mo na nga ang atensyon nang kapatid ko.. pati ba naman ang lalaking mahal ko aagawin mo pa?"

"H-Hindi kita maintindihan" naguguluhan kong sagot sa kanya.

"Tsk. Akala ko tuluyan ka nang nawala pero nagkamali ako. Kailangan pa palang mamatay nang protector para masabing tuluyan ka nang nawala"

"Alam mo bang sukdulan ang nararamdaman kong galit sayo? Na nung nakita kita ulit nung araw na lumipat ka sa BU ay gustong-gusto na kitang patayin!" nanggigigil na saad niya.

"Bakit hindi mo ginawa?" ewan ko kung san pa ako nakakakuha nang lakas nang loob sumagot sagot kay Cristine pero ang totoo niyan ay nanginginig na ako sa takot at kulang na lang ay humanap ako nang pagkakapitan dahil feeling ko anytime tutumba na ako.

"Dahil ayokong magalit sya sakin, ayokong isipin niya na ang pinakataong minamahal niya ay pinatay nang taong nagmamahal sa kanya" saad nito.

"Minamahal niya?" tanong ko.

"Oo! Yung taong mahal niya at hindi ako yun dahil alam mo kung sino? Ikaw! Ikaw ang bwisit na yon!" sigaw niya, konting-konti na lang dama ko nang susugurin niya ako.

"Mahal niya a-ako?" nakakunot noo kong sabi, sino ba ang tinutukoy niya.

"Tss. Bingi ka ba? Kailangan ba laging ipaulit dyan sa utak mo ang mga sinasabi ko?" masungit na sabi nito sakin.

"Sino ba kasi yang tinutukoy mo?" masungit ko ring sabi sa kanya. Nawala sa isip ko sandali ang takot na nadarama ko dahil sa pagkainis. Alam ko namang galit sya dahil nga inagaw ko 'daw' ang mga taong mahal niya sa hindi ko namang malamang dahilan kung pano ko naagaw.

Wait!

Kung mahal ako nang taong mahal niya... di kaya si...

"Si Cloud ba ang tinutukoy mo?" tanong ko.

"Stupid!"

Aray -___- ang sakit magsalita grabe.

"Si Light ang tinutukoy ko! Manhid ka ba?!"

Si Light? Ibig sabihin...

"Ako ang mahal ni Light?!" gulat kong tanong sa kanya.

"Sige ipamuka mo pa nang sa gayon ay mapatay na kita nang tuluyan!"

"Alam mo Cristine.... Sa palagay ko mali ka di ako gusto ni Light" sabi ko

"Sinasabi mo lang yan dahil ayaw mong mapatay kita ngayon tss"

"Nagsasabi lang ako nang totoo at ano namang pumasok sa utak mo at nasabi mo yan? Sinabi niya ba sayo na mahal niya ako?"

Bahagya naman syang natigilan pero pamaya-maya ay nakabawi rin.

"Di niya na kailangang sabihin sakin dahil nakikita na mismo nang dalawang mata ko"

"Minsan ang nakikita nang mata ay kasinungalingan lang. kaya nga may word na explanation para makapag explain diba?" sabi ko.

Teka nga! Bakit ba ako nangangaral dito?

"At isa pa... umamin ka ba sa kanya? Malay mo sayo pala talaga may gusto at hindi sakin" dagdag ko pa. Alam kong walang gusto si Light sakin, although napapansin ko na lagi syang nakatingin pero di ko iyon binibigyan nang malisya... kung titigan niya kasi ako ay para ko syang kuya na kailangang bantayan ang nakakabatang kapatid.

"Ano bang gusto mong palabasin? Na sinungaling ako?!"

Oo -___-

Gusto ko sanang sabihin yan kaya lang baka mapadali ang buhay ko.. gusto ko nang makita si Cloud. Miss na miss ko na sya at isa pa, bakit hindi man lang ata ako hinahanap nang mga yon? Nakakpagtampo >.<

"Tama na ang daldalan... oras mo na... kailangan mo nang mamatay" mariing saad nito sakin.

Bumalik ang kaba na nawala sa dibdib ko kanina... eto na ba talaga? Hanggang dito na lang ang istorya? Hindi na pahahabain? Ni hindi pa nga kami nagkikiss sa lips ni Cloud ending na agad?!

"Kill her and your next"

Sabay kaming napalingon ni Cristine sa biglang nagsalita.

C-Cloud..

"Cloud!"

----------------------

@TheFrozenGirls
@shairaangcajas
@HoneyMhai

Thanks sa votes :)

She's The Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon