Chapter 6: The Game

23.9K 537 10
                                    

*[Mia's POV]*

Until now hindi ko pa rin maintindihan yung sinabi sakin ni Light. Dalawang araw na ang nakakalipas pero parang fresh na fresh pa rin sa utak ko

"Wag kang magtitiwala sa kahit na sino, Sarili mo lang ang pagkatiwalaan mo"

Ano ba kasi ang gusto niyang sabihin? Di pa sabihin ng diretso para hindi ako ganito na parang tanga kakaisip sa mga katagang yon. Feeling ko tuloy simula nung pumasok ako sa school na to parang ang daming sikreto tungkol sa akin na kailangan kong malaman. Nakakapagtaka na parang hinihintay talaga nila ako yung ganon? Naalala ko kasi yung guard dun sa may gate nung papasok na ako parang alam niya na dadating ako tapos si Light at si Cristine parang pamilyar talaga sila sakin

"Hoy! Ano na naman bang iniisip mo?" tanong ni Cristine. Nasa cafeteria kami

"Wala naman, para kasing ang daming sikreto dito" sagot ko

Napatigil siya sa pagsubo ng sandwich

"Oh bakit? May nasabi ba akong mali?" tanong ko

"Wala kang alam ano?" sabi niya

"Anong alam?" tanong ko

"Wala nevermind. Kain ka na lang dyan baka lumamig pa yan sayang naman" sabi niya sabay kain ulit

"Ano bang alam mo Cristine na hindi ko alam?"

Ano to? Lahat sila may sikreto gusto ko rin malaman kung ano yon

"Wag mo nang alamin" sabi niya

"Sabihin niyo na kasi, ang daming tanong sa utak ko na gusto kong malaman. Please naman Cristine mamamatay ako kakaisip nito eh" pangungulit ko

Tumingin sya sakin. Seryoso ang mukha niya, ngayon ko lang sya nakitang ganyan

"Kung gusto mo pang mabuhay, mas magandang wag mo nang alamin ang lahat" sabi niya. Nakaramdam ako ng takot. Ibang-iba si Cristine ngayon. Tumayo sya at umalis. Naiwan naman ako dito sa cafeteria na mas nadagdagan ang tanong sa utak.

Ano bang nangyayare? BWISIT!

"Mia!"

napalingon ako, Si cristine, nasa may pinto na sya palabas ng cafeteria

"Mag aalas dos na" sabi niya

Napakunot ako ng noo

"Ano ngayon?" sabi ko

"Diba may game pa kayo ni Cloud?" sabi niya

Game? Cloud?

"Sabado ngayon?" tanong ko

"Oo?" taas kilay na pasagot niyang tanong

Tumayo ako at nilapitan sya.

"Tara na! I-che-cheer kita" sabi niya sabay ngiti. Bumalik na yung Cristine na kilala ko.

*

Naglalakad kami papuntang park. Patingin-tingin ako kay Cristine, gusto ko syang tanungin pero ayokong maramdaman ulit yung takot na naramdaman ko kanina.

"Alam mo Mia.." sabi niya "Hindi lahat ng bagay kailangan mong alamin. Pero kung hindi mo talaga mapigilan, maglibot ka, baka makita mo ang sagot" dugtong niya sabay tingin sakin at ngumiti. Napangiti naman din ako

"Andito na tayo"

Napatingin ako. May volleyball net na at infairness may audience

"You're one minute late" sabi nung lalaking may hawak ng bola. Si bading

She's The Vampire PrincessWhere stories live. Discover now