Chapter 17: You Look Familiar

16.3K 411 8
                                    


*[Mia's POV]*

Nandito kami ni Cristine sa mall. Bibili daw kami ng mga pagkain para sa darating na camping. Gusto ko man tumanggi di rin pwede, nag puppy eyes na yung bruha eh tsk tsk. Miss ko na si Ulap ko huhu :( kamusta na kaya sya? Nakakain ba sya ng maayos? Hindi pa naman niya nakikita ang kagandahan ko ngayong araw. Hayy.

Kanina pa kami nandito. Tatlong oras na ata? Ewan ko ba wala naman kaming masyadong binili, lakad-lakad lang. Ang sakit na nga ng paa ko eh pudpud na.

"Uy tapos na ba? Uwi na tayo" aya ko kay Cristine

"Mamaya na. Wait doon tayo" tapos naglakad sya papuntang department store. Leche! Ang sakit na nang paa ko!

Nakakita ako ng bench malapit sa gilid kaya umupo ako doon.

"Hoy babae? Anong inu upo-upo mo dyan?" pataray na tanong niya at pinameywangan pa ako.

"Masakit ng paa ko. Hihintayin na lang kita dito" Tinaasan niya lang ako ng kilay tas tiningnan yung paa ko tas bumalik ang tingin sakin.

"Sige wait for me here. Pagkabalik ko uuwi na tayo" Nag nod lang ako tas tumalikod na sya para maglakad nakailang hakbang pa lang sya ng bigla syang lumingon "Hoy Mia girl hintayin mo ako ah?" natawa naman ako bigla. Para kasing bata, kala mo iiwan ng nanay haha.

"Opo" sagot ko naman at binigyan sya ng napakatamis na ngiti. Nag smile lang sya sakin tapos tumalikod na at naglakad palayo sakin

(After 40 mins.)

Wala pa rin si Cristine. Yung totoo? Don't tell me binili niya lahat ng laman ng department store na yan? Hindi ako nagdududa na iniwan niya ako dahil iisa lang ang Entrance at Exit nung store kaya pag binalak niyang iwan ako dito panigurado akong makikita ko sya.

Kanina pa rin ako txt ng txt kay Cloud. Pano kase ang tagal ko daw baka gusto ko na daw tumira dito kaya di pa ako umuuwi. Kita niyo na? Ang sama ng ugali ng boyfriend ko peste!

Binulsa ko muna yung phone ko. Tinatamad na akong itxt si Cloud. Bahala sya dyan tsk. Naghintay pa ako sandali. Ti-next ko si Cristine pero di pa rin sya nagrereply, ano kaya ginawa nun sa loob?

Pinakiramdaman ko yung paa ko, hindi na sya masakit kaya tumayo na ako. Naisipan kong pumunta ng McBeeFC kasi nagugutom na ako. Like Hello? 3 HOURS AND 40 MINUTES na akong nandito, nagugutom na ako no.

Nagsimula na akong maglakad, medyo malayo yung McBeeFC. Habang naglalakad ako nakaramdam ako bigla nang kakaibang feeling. Parang.... Parang may tumitingin sayo?

Nilibot ko ang mata ko, marami pa namang tao. Tiningnan ko sila, wala namang mukhang magnanakaw sa kanila at isa pa walang kahina-hinala kaya pinagpatuloy ko ulit yung paglalakad... pero naramdaman ko ulit yun kaya napalingon ako ulit.

Nagsimula na akong maglakad ng mabilis. Isa na lang ang nasa isip ko MAKALAYO. Nakalabas ako ng mall, nakalimutan ko na rin yung gutom ko kanina. Lumingon ako ulit, wala nang masyadong tao at palubog na rin ang araw. Umupo ako sandali sa isang bench na nakita ko at huminga ng malalim.

*sigh*

"Ang lalim ah"

Halos mapatalon na ako sa pagkakaupo ko ng biglang may nagsalita. Tiningnan ko sya, bigla naman syang tumabi sakin at idine kwatro ang paa, pinatong naman niya yung isa niyang kamay sa sandalan ng bench.

Tinitigan ko sya, naka shades sya tas naka jacket na black na may puti sa loob. Blonde rin ang kulay ng buhok niya. Nakatingin lang sya sa paglubog ng araw habang ako, pinagmamasdan sya. Kahit naka side view lang sya sakin alam kong gwapo to.

Pero may isa akong pinagtatakhan, bakit parang kilala ko sya? He look so familiar just like Light and Cristine.

"Hi"

She's The Vampire PrincessWhere stories live. Discover now