Chapter 7: Painting

23K 537 3
                                    

Heyya there! Happy mot-mot :p
Isang buwan na ang STVP and pang #120 na tayo sa vampire genre! Like HUUWEEEHH??! xD Thanks sa 4 people na naglagay ng STVP sa reading List nila :)
And thanks sa 364 reads, 25 votes, and 4 comments

Miss Author mamamaalam ka na po ba?

Hindi naman nagdadrama lang :D

ANW. Enjoy this chapter!

-------------------

*[Mia's POV]*

"Rotation error. 1 point will go to Cloud's team"

"Rotation error. 1 point will go to Cloud's team"

Paulit-ulit sa utak ko yung boses nung referee nung sabado. Bwisit na rotation error yan dahil dyan natalo kami! Ako! Dahil dyan maghihirap ako sa loob ng isang buwan ASAR!

9:00am

Tinatamad akong pumasok ngayon. Ngayon kasi ang simula ng paghihirap ko mula sa bwisit na si Cloud bakit kasi. BAKIT?!

*Knock Knock*

Binuksan ko ang pinto at tumambad sakin ang mukha ni...Sky.

>//////< pinapakilig mo talaga ako

"Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya

"Papasok na kasi ako ng mapadaan ako dito... chineck kita kung nandito ka pa at hindi naman ako nagkamali" sabi niya at ngumiti sakin

"Ah ganon ba?"

"Sabay na tayo" sabi niya

"Sige"

*

Habang naglalakad papuntang school.

"Iniisip mo pa rin ba yung nangyari nung sabado?" tanong niya

Napatingin ako sa kanya. Diretso lang ang tingin niya kaya ginaya ko na lang sya

"Hindi naman na gaano"

Asus! Palusot ko talaga

"Mabait naman yun si Cloud eh muka lang masungit" tumawa pa sya. Napangiti na lang ako.

"Isang buwan lang naman diba?" Napansin kong tumigil sya sa paglalakad kaya napatigil rin ako. Napatingin tuloy ako sa kanya at

>/////< nakatingin din sya sakin. My Gulay!

"Good luck ha?"

"Good luck?" tanong ko

Ngumiti lang sya at naglakad na ulit

Bakit ganon yung mga tao ngayon? Ang weird kausap

"Sky! Hintay!" sigaw ko sabay takbo palapit sa kanya

Tumatawa naman sya ng makalapit ako kaya nakitawa na lang rin ako

Buang lang? haha

Habang papalapit kami ng papalapit sa school natatanaw ko na yung damuhong bading na si Cloud malapit banda sa entrance at as usual yung mga tingin na naman niya sakin. Hay naku!

"Oh pano una na ako. Bye" sabi ni Sky sabay alis. Nakita kong nginitian niya si Cloud pero inirapan lang sya nito

Kabadingan talaga nitong taong to

Padabog akong naglakad palapit sa kanya. Nakasandal sya sa pader at naka crossed arms.

"Ang tagal mo, kanina pa kita hinhintay dito" sabi niya

"Eh sino ba kasing may sabing hintayin mo ako" sagot ko sabay irap

"Tss.. buhatin mo nga tong bag ko" sabi niya sabay abot sakin ng bag niya

She's The Vampire PrincessDonde viven las historias. Descúbrelo ahora