Chapter 24: Behind Stories

15.3K 357 4
                                    


*[Larina's POV]*

"A-Ano? Anong...ibig m-mong sabihing kapatid?" naguguluhang tanong ko. Kitang-kita sa mukha ni Cloud ang pagkagulat. Pagtataka naman sa mukha ni Sky at galit sa mukha ni Light.

"Bakit mo ito ginagawa?" nakayukong sabi ni Light

"Alam kong alam mo kung bakit" walang emosyong sagot sa kanya ni Cristine

"Nagbago ka na hindi ba?"

"Muntik na"

"Ipaliwanag niyo nga sakin kung anong nangyayare? Sino ba si Daemon? Bakit niya kinuha si Mia? Pano sya naging prinsesa? At anong meron sa inyong apat na hindi ko alam?!" sigaw nang naguguluhan na si Sky, hindi ko sya masisisi kung ganyan ang reaction niya. Wala talaga syang alam sa nangyayare.

"A-Alam mo b-ba ang tu-tungkol sa-samin n-ni Gail?" nanlalaking matang tanong ni Cloud.

"Oo alam ko, ang totoo nga niyan, ako ang nagrekomenda sa inyo sa kanya" nakangiting sabi ni Cristine

Ang walanghiya! Kaya ba ginawa iyon ni Daemon samin?!

*Flashback*

Kasalukuyan kaming naglalakad ni Cloud sa hallway ng school ng may tatanga-tangang estyudyante ang bumangga samin.

"Di ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?!" bulyaw ni Cloud sa kanya, simula't sapul na naging magkapatid kami ay ganyan na sya kung umasta.

Step brother ko lang si Cloud kaya hindi kami pareho nang apelyido, masungit at suplado na sya noon pa pero di niya ako madadaan sa mga ganyan niya, close na kami bago pa man magkakilala ang mga magulang namin kaya hindi na ako nahirapang mag-adjust nung sabihin nilang magpapakasal sila.

"Pa-pasensya n-na p-po" kinakabahang sabi nung tatanga-tangang estyudyante.

"Bakit ka ba tumatakbo huh?" pagtataray ko. Bagay talaga kaming magkapatid, pareho kasi kami ng ugali.

"M-May n-nagpapa..b-bigay p-po" sagot naman niya sabay abot ng sulat na may flower seal pa.

Another love letter ba to? Tsk! Kailan ba nila kami titigilan? Oo kami, hindi lang naman ako ang binibigyan ng love letter sa school na to, maging si Cloud rin.

"Anong gagawin namin dyan?" -Cloud

"Pa-para d-daw po to sa-sa inyong da-dalawa" -tatanga-tangang estyudyante.

"Ok" sagot ko sabay kuha sa sulat sa kamay niya at naglakad na, naiinis ako sa pagsasalita niya. Hindi naman namin kakainin parang tanga talaga tsk.

Sa BU, kinakatakutan ang 3 prince, sila ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng bampira, protektado rin sila nang council kaya maraming takot sa kanila. Ako at si Cristine? Mga simpleng bampira lang kami pero kung ikukumpara kami sa mga ordinaryong bampira, di hamak na mas malakas kami sa kanila kaya takot din ang ibang estyudyante samin.

Walang nakakaalam na magkapatid kami, bakit? Wala lang at tsaka hindi naman importante yon, uunlad ba ang ekonomiya ng bansa kapag nalaman nilang magkapatid kami? Hindi naman diba? Kaya hinayaan na lang namin sila. Kahit na may kumakalat na chismis na kami na daw dahil nga sa lagi kaming magkasama.

"Penny for your thoughts?" basag ni Cloud sa pag-iisip ko, sinamaan ko sya ng tingin.

"Ano ba yan? Buksan mo nga"

"Inuutusan mo ba ako?" pagtataray ko

"Oo" cool na cool na sagot niya. Binigyan ko muna sya nang matinding batok bago binuksan ang pesteng sulat na to, pag ito lang hindi importante babaliin ko ang daliri nang tatanga-tangang estudyante na yon.

Cloud & Larina,

'Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, nasa akin ang mga magulang niyo. Sundin niyo lang ang lahat ng utos ko at ibabalik ko sila ng buhay sa inyo'

Daemon

"Who the fvck is Daemon?!" sigaw ni Cloud

"Wag mo akong sigawan, at isa pa, nagpapaniwala ka dito?" sabay wagayway ko sa sulat. Anong tingin nang Daemon na yan samin? Tanga? Uto-uto? Hindi ordinaryong bampira ang mga magulang namin kaya bakit kami makikinig sa kanya?

Lumipas ang isang araw at isang sulat na naman ang dumating, pareho pa rin ang nakasulat doon. Sundin lang daw namin ang utos niya.

Hindi ba talaga kami titigilan ng Daemon nato? Iritang-irita na ako sa kanya. Swear! Pag nakilala ko lang yan hindi ako magdadalawang isip na patayin sya.

"Hey" agad akong napalingon sa nagsalita and there I saw Cristine "Alone?" she asked and I just nodded in response.

"Bakit ka nandito?" tanong ko. Me and Cristine are good friends. Para lang kaming sisters na dalawa kaya close talaga kami.

"My parents invited your family para sa family dinner tomorrow. Itatanong ko lang kung available sila" she said

"I will ask them na lang later tutal uuwi naman ako ngayon" I said. She just nodded and smiled, pero parang may iba sa smile niya ngayon. Nevermind. Kulang lang siguro ako sa tulog.

That night, Cloud and I decided to went home para itanong sila mom and dad if available sila. Pero we were shocked when we saw NO ONE, and there's a note with a stink of blood.

Hindi ako pwedeng magkamali, this was our parents blood. Naaamoy namin sila sa blood na yon.

Im not kidding here, you will do what I want or I will kill them. It's your choice.

Daemon

*End of Flashback*

"Bitch!" sigaw ko kay Cristine, how dare her? Were friends. Pano niya to nagagawa?

"I will rip your head off!" nanggigigil na dugtong ko.

"You cant do that dear" she said with a plastered evil smile on her face.

"Yes I can" I said to her

"Do you think you can defeat me? Na-ah I don't think so" she said. And there I realized. Mas malakas si Cristine sakin. Fvck!

"But I can" Cloud suddenly said.

"Yes you can, but I know you will not do that" calm na sabi niya.

"How can you say?" tanong ko pero bakas pa rin ang galit

"Because if you do...

I will kill Mia-girl"
------------------------

Thanks sa 12k reads and #6 spot :)

She's The Vampire PrincessWhere stories live. Discover now