Chapter 26: Behind Stories (Cristine)

14.7K 323 13
                                    

*[Cristine's POV]*

"Hindi na kita kilala" rinig kong bulong ni Light. Masakit. Akala niya ba gusto ko tong ginagawa ko? Nakakainis! Hindi ko naman kailangang gawin to kung minahal niya ako.

Aish! Ano nga ba ang aasahan ko sa isang Light Yabashi na baliw na baliw sa prinsesa? Tsk. Ilang beses akong nagpapansin, pero ano? Dedma. Pero ang pinaka nakakainis sa lahat, alam niyo kung ano? Yung nakukuha ko na yung loob niya pero biglang dumating tong reincarnation ni Kesha. Nakakainis na nakakaasar pa.

Nangingilid na ang mga luha ko, ayokong ipakita sa kanila ang weak side ko. Tumayo ako ng tuwid at pinakita sa kanila ang bagong Cristine.

"Aalis na muna ako sa ngayon. Hanggang sa susunod" pagkasabi ko niyan ay umalis na ako. Hindi naman nila nagawang sundan ako dahil mabilis akong nawala sa dilim.

Ang sakit-sakit lang na ginagawa ko to dahil sa sobrang pagmamahal.

*Flashback*

Nagulat na lang ako ng biglang sumugod ang kapatid ko at si Dmitri sa kaharian, ang alam ko galit sya sa taong iyon pero bakit sila magkasama? Sumunod ako ng di nila nalalaman. Nagtago ako para di nila ako makita, kapag may nakakakita sa akin na sundalo ng kaharian o sundalo galing sa pangkat nila Dmitri ay agad ko itong pinapatay. Nakita ko sina Light at Kesha na tumatakbo at magkahawak pa ang kamay. Nakaramdam ako ng matinding galit, bakit? Kapag nakakakita si Light nang kalaban ay pinapapunta niya sa likuran niya si Kesha at papatayin na yung nakaharang.


Hindi ko alam pero parang gusto ko, ako yung nasa posisyon ni Kesha, gusto ko sakin ginagawa ni Light yan. Pero pano? Kung alam kong si Kesha ang gusto niya?

Hindi ako sigurado kung may gusto si Light kay Kesha pero sapat na sakin ang mga nakikita ko. Minsan tinanong ko si Light kung handa ba syang mamatay para sa prinsesa, walang pakalundangang sumagot sya nang oo dahil trabaho niya daw iyon bilang protector. Tinanong ko sya ulit, pano kung hindi sya yung protector ng prinsesa, handa pa rin ba syang mamatay para sa kanya? Um-oo ulit sya dahil importante daw ang prinsesa sa kanya.

Hindi na ako nagtanong pa, sapat na sakin ang mga nalaman ko. Isa na iyong ebidensya na mahal niya nga ang prinsesa.

Nang magtagpo ang landas nila ni Daemon ay nakita ko ang galit sa mukha ni Light. Takot naman ang mababakas sa mukha ni Kesha, patuloy lang akong nagtago para di nila ako makita. Nakita kong nagsimula nang maglaban sina Daemon at Light, bakit? Anong nangyayare?

Masyadong mahina si Daemon kumpara kay Light, wala syang panama sa kapatid ko. Nakita ko na ang mga dugo na lumalabas sa katawan niya pero patuloy pa rin syang lumalaban. Mukhang tototohanin niya ang pagbubuwis buhay para lang sa babaeng yan. Tss.

Biglang bumagsak sa kinatatayuan niya si Light at dahan-dahang lumapit kay Kesha na patuloy na umaatras.

"W-wag m-mo syang l-lapitan!" utal-utal na sigaw ni Light pero patuloy lang sa paglapit si Daemon.

"Kailangan ko lang gawin to, sana maintindihan mo" pagkatapos nun ay harapan niyang pinatay si Kesha. Nanlaki ang mata ko, pi-pinatay ni Daemon si Kesha?

Naging abo ang katawan nito, patunay na wala na nga sya sa mundo, napangiti ako sa di ko malaman na dahilan. Siguro ay dahil may pag-asa na ako kay Light? Lumapit si Daemon kay Light na nakahiga lang sa sahig, wala na itong malay pero nakita nito ang ginawa nang kapatid ko sa prinsesa. Akmang papatayin niya ito kaya lumabas ako sa pinagtaguan ko. Hindi niya pwedeng patayin si Light.

Halatang nagulat sya pero di ko na inintindi yon.

"Anong ginagawa mo dito?!" bulyaw niya. Tumingin muna ako kay Light bago tumingin sa kanya.

She's The Vampire PrincessWhere stories live. Discover now