Chapter 21: Day 1 Continues (Part 3)

17.7K 394 3
                                    

*[Mia's POV]*

Hapon na. Di ko namalayan na napahaba pala ang tulog ko. Nandito ako ngayon sa cabin ni Cloud. Oo cabin NIYA as in SA KANYA. Kaloka diba? Yayamanin lang. Iba talaga kapag ritskid. Sabi niya sakin kanina, kaya lima yung cabin kasi tig-isa daw silang magkakaibigan, pinagawa daw talaga iyon para sa kanila. Edi sila ng may cabin.

Ako? Hmm may sarili rin naman akong cabin pero hindi literal na sa akin, what I mean is ni rent para sakin pero ayaw ako doon patuluyin ni Cloud kasi daw maliit daw yun tsaka mainit. Pano niya kaya nalaman? Na-try kaya niya?

Now, nakahiga ako sa isa sa mga kwarto dito sa cabin niya. Tatlo kasi yung room dito. Yung isa halatang sa kanya dahil may pictures niya na
naka frame pa tapos yung isang room? Ewan ko naka lock eh tapos itong room kung nasan ako. Napaka plain pero mahahalata mong pambabae dahil sa kulay ng dingding. Hindi rin maalikabok, halatang nilinis bago kami dumating.

Bumangon ako para mag-ayos ng sarili, may sariling banyo rin pala ang kwarto ko kung nasan ako ngayon. Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako. Wala si Cloud sa paligid nang libutin ko ang buong kabahayan/cabin, maging sa kwarto niya wala sya. San naman yun nagpunta? Pagabi na kaya?

Sumilip ako sa bintana. Hmp! Wala naman akong makita! Puro fog lang naman ang nasa paligid eh

*Knock Knock*

yes dumating na rin, kanina pa ako naghihintay dito
Binuksan ko kaagad ang pinto.

"At sinong may sabi sayong iwa-----"

"HI MIA-GIRL!!!! AMISHYUUUU!!!!" agad na bungad sakin ng pinakamaingay at akala mo eh nakalunok ng megaphone sa sobrang lakas ng boses. Pag nahulaan niyo kung sino bibigyan ko kayo ng candy tsk

"Ano ba yan! Ang lakas ng boses mo! Nasa harap mo lang ako oh!" sigaw ko rin sa kanya

"Grabe ka naman ang hard mo naman sakin. Why so sungit? *pout*" -Cristine. Opo tama kayo, si Cristine nga tsk.

"Ano bang ginagawa mo dito ha? At tsaka magkasama kaya tayo kanina sa bus, anong amishyuu amishyuu ka dyan?" pagtataray ko sa kanya

"Kainis naman to, kunyari nga namiss mo rin ako eh tsk" pagmamaktol niya

"Dami mong alam, tigil-tigilan mo nga ako" -ako

"Ganyan ka na ah, porket may boyfriend ka na pinagtatabuyan mo na ako? Tsk! Siguro......"

"Siguro ano?" putol ko sa sinasabi niya, sumama kasi yung tingin sakin eh, parang may malisya yung mga titig niya

"siguro may..."

may?

"may...." -Cristine

"may?" tanong ko

"may......" -Cristine ulit

"may?" tanong ko ulit

"may......"

"LECHE! May ka ng May! NOVEMBER na oh!" sabi ko, di pa kasi diretsahin parang tanga lang talaga

"maymilagrokayongginagawanicloudnoh?" -Cristine

huh? Ano daw?

"Ang sabi ko.." simula niya, mukang nahalata niya na hindi ko naintindihan yung sinabi niya. Bagay sya mag rapper nuh? "MAY-MILAGRO-KAYONG-GINAGAWA-NI-CLOUD-NOH?" wow naman, at talagang winword by word niya ah, pero teka? ANO DAW??!!!

"ADIK KA B----- ARAY!!!!" sabi ko habang hawak-hawak yung braso ko na hinampas niya. Kita moto, sya na nga yung nag-iisip ng kung anu-ano sya may may ganang manakit tsk tsk

She's The Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon