Chapter 4: Nightmare (/)

27.1K 604 5
                                    

#255
Si Cristine po yung nasa taas

Enjoy reading :)

*

“Dahil hindi kita gusto”

Si Cloud

Naglalakad siya papalapit sa amin.

“Ayan na naman yung tingin niya. Ang sama talaga tumingin ng sungit na to” bulong ko kay Cristine. I heard her chuckled.

“Anong karapatan niyong pag-usapan ako?” sabi niya ng makalapit na siya samin. Nasa harap ko sya ngayon at ang sama na naman ng titig niya sakin.

“Pinag-uusapan ka ba?” sabi ko sabay irap sa kanya. Aba! hindi pwedeng ganyan ang sama niyang tumingin sakin tapos hindi ako gaganti ? Muka niya no

“Mia” rinig kong saway ni Cristine

“I heard you. You two are talking about me” sabi niya sabay crossed arms

“Really?”

“Mia stop it” Cristine whispered. Sorry Cristine but I cant allow this guy. First day na first day ko tapos ito agad? What a warm welcome right?

“Hey you Cloud bakit ang sama mo makatingin sakin huh? Alam mo bang mapapatay mo na ako sa mga titig mo?” sabi ko sa kanya habang nag crossed arms din

“Hell I care?” Nakatingin na samin halos lahat ng nasa loob ng cafeteria. Hindi naman kami nagsisigawan. Grabe naman tong mga to ang lilinis ng mga tenga.

“You know what? If you don’t like me then fine I don’t like you either” sabi ko sa kanya

Nakita kong tumaas ang isang kilay niya. Hindi ata makapaniwala na sinabi ko yon.

“Mia c'mon” rinig kong sabi ni Cristine at agad akong hinila mula sa kinauupuan ko.

“You’ll gonna pay for this” rinig kong sabi niya

“Sabihin mo lang kung magkano at ibibigay ko pa sayo ng doble” I said back

Nakarating kami ni Cristine sa parang garden ng school. Hindi na ako magugulat kung meron nun dito sa laki ba naman nito malamang nga may mall pa dito. Tumigil kami sa isang malaking puno at doon nagpahinga.

“Grabe ka! Alam mo bang ikaw lang ang nakasagot sa kanya ng ganon?” panimula niya

“Eh sa nainis ako eh! Ang sama kasi makatingin kala mo naman binully ko” agad kong sagot

“Well, goodluck na lang sa mga susunod mo pang mga araw dito sa school”

Agad akong kinabahan. What’s ‘GOOD LUCK’ for?

After the lunch break ay agad na kaming bumalik sa room namin nakatingin ng masama sakin lahat ng kaklase ko maliban kay Light at Sky. Si Sky nakangiti pa rin sakin kaya ngumiti rin ako sa kanya. Napatingin ako sa upuan ni Cloud, wala pa sya buti na lang

Hanggang sa dumating yung professor namin ay wala pa rin si Cloud hanggang sa matapos ang klase ay wala sya.

Uwian na

San kaya ako uuwi?

“Tara Mia ituturo ko sayo kung saan ka titira” sabi ni Cristine

Alam niya kung saan ako titira?

Sinundan ko si Cristine, mga ala sais na ata iyon ng gabi kaya medyo madilim na rin. Sa loob ng campus ay may park may pond basta para kang nasa loob ng subdivision.

“Here” Tumigil kami sa isang hindi gaanong kalakihang room. Yup. room lang sya hindi sya bahay.

“Nandyan na ang gamit mo, kumpleto na yang mga nandyan may kama , lutuan basta parang bahay mo na yan. Yung susi nasa ilalaim ng mat” paliwanag niya

She's The Vampire PrincessWhere stories live. Discover now