Chapter 19: Day 1

18.5K 495 17
                                    


*[Cristine's POV]*


Camping Day...


Yes! Sa wakas! Natuloy na rin tong camping na to. Kala ko hanggang sabi na naman tulad nung nangyare last year. Ewan ko ba lagi na lang nila pino-postpone tapos ica-cancel bigla, kaloka diba? But now, sure ball na talaga hihi.


"Hoy babae! Ngiti-ngiti ka dyan? Baliw ka na ba?" sabi bigla ng katabi kong epal sa imagination ko, sino pa ba? Edi si Mia tss.


"Walang pakelamanan pwede? Dun ka na nga sa boyfriend mo" pagtataboy ko. Kinuha ko yung camera at nag selfie muhaha, sinong may sabing hindi nakikita sa salamin ang mga bampirang katulad namin? Kung sino man nagpauso nun, si Dracula lang ang tinatablan. Nakikita ko kaya ang kagandahan ko sa salamin at nakakalat ko rin ang mga pictures ko sa mga social networks.


"Ayoko dun, ang ingay nila eh" pagmamaktol niya, nasa likuran ng bus sina Light,Cloud at Sky. Samantalang kami ay nasa 3rd row ng bus. May nakapagsabi na ba na tropa kaming lima? Kasama ang malditang si Larina pero nung dumating si Mia sa university, dun na syang nagsimulang lumayo samin pero nakakausap pa rin naman, hindi nga lang katulad ng dati na halos kami ang magkakasama. Pero ok na rin ang ganito. Walang lantaran ng sikreto.


"Alam mo minsan gusto kong matawa?" sabi bigla nitong katabi ko,  adik talaga to. Bigla-bigla kasing nagsasalita.


"Pick up line ba yan?" tanong ko


"Tungaks hindi!" depensa naman agad niya


"Mabuti nang sigurado, oh baket?"


"Light,Cloud at Sky. Lahat about sa nature, yung totoo? Iisa lang ba magulang ng mga yan?"


Automatic na napakunot ako ng noo. Light,Cloud at Sky.


"Pfffffftttttt....wahahahahahahaha" I burst out laughing


"Hoy! Anyare?" sabi niya bigla habang nakakunot ang noo


"Wahahahaha!! Oo nga noh? Haha" xD adik lang po ako haha. Ngayon ko lang napansin haha


"Don't tell me di mo napansin yun?" amaze niyang tanong


"Oo hahahahaha" sagot ko naman agad habang pinapakalma ang sarili. Ngayon ko lang talaga napansin. Promise! Mamatay man ang dapat mamatay!


"Hay naku! Kaibigan ka ba talaga?"


"Tingin mo saken?"


"Ewan sayo! Makapag selfie na nga lang" sabi niya sabay labas ng phone at nagselfie selfie.


Kaibigan ka ba talaga


Psh -.- best joke ever haha

She's The Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon